Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 562

Ika-3 na labas

“Okay na okay naman, ikaw magaling na maga­ling ka na ba?” sagot ni Chef Drew na huminto sa ginagawang pagluluto sa kitchen.

“Yes, alam mo naman hindi tayo puwedeng mawala ng matagal!” nakangiting tugon ni Charlotte.

“By the way, may flowers na dumating dito kanina, for you from Glenn, so who is he?” nanunuksong tanong ng chef.

Nagulat si Charlotte.

“Ha? pero nagpadala na siya ng flowers sa condo ah! siya ‘yung nakabanggaan ko!”

“Baka nanunuyo, sinisigurong hindi na kayo aabot sa korte!”

“Hindi naman talaga, wala naman akong balak magdemanda, ni hindi ko na nga inusisa ang tungkol do’n at actually hindi pa kami nagkakausap in person, kasi nga pareho naman kaming nadisgrasya.”

“Grabe, as in wala lang, gano’n na lang ‘yon?”

“Malamang, tutal pareho namang nakuha ‘yun mga lisensya namin at pareho kaming naospital kaya siguro iyon na ‘yung kabayaran . Teka, asan ‘yung flowers? ”
“Nasa table mo sa taas.”

Habang inaamoy-amoy ang bulaklak na pinagbuklod ng pulang ribbon ay muli na namang nakaramdam ng sakit ng ulo si Charlotte. Alam niyang hindi pangkaraniwang sakit ng ulo iyon dahil may sumasalit na mukha sa isipan niya… hindi pa masyadong malinaw pero tila mukha iyon ng isang lalaki… si GLENN!

“Aah, ano ba’tong nangyayari sa’kin?” kunot-noo niyang tanong sa sarili.

Naupo siya sa swivel chair at saglit na pumikit. Sa pagpikit niya ay muling nagpakita sa kanya ang imahe ni Glenn. At sa pagkakataong ito ay narinig niya ang mahinahon nitong pagsasalita. Subalit hindi niya ito maintindihan.

Samantala.

“Glenn, are you sure hindi ka na babalik sa America? Desidido ka na bang maging call center manager for the rest of your life?” tanong ni Ivan habang nagkakape sila ng kaibigan sa isang coffee shop.

“I told you, humingi ako ng sign kay Lord kung dapat ba akong bumalik or not, on that day na pumunta ako sa mom ko sa Laguna para magpaalam and she said yes, nag-decide ako na babalik na nga ako sa America pero nu’ng pauwi na’ko sa apartment ko, nangyari ang aksidente, hindi ba iyon na ang sign na hinihingi ko?”

Related Posts

“Well, kung iyan ang pinaniniwalaan mo, what can I say?”

“Siguro nga hindi ko na dapat sundan pa si Alicia sa America, and besides hindi ko rin naman gusto ang trabaho ko ro’n bilang supervisor sa isang bookstore.”

“Okay, so kung final na ang decision mo e ‘di karirin mo na lang si Charlotte!”
Napakunot-noo si Glenn.

“Paano naman napasok sa usapan si Charlotte?”

“Wow naman Glenn, ‘di ba ilang beses mo na nga siya pinadalhan ng flowers, so ano bang ibig sabihin sa’yo no’n?”

“Ginawa ko ‘yon bilang pasasalamat, I know kasalanan ko kung bakit kami nagkabanggaan, I’m out of way pero hindi siya nagreklamo, kahit pa naospital rin siya at naabala ng husto dahil do’n.”

“Baka naman type ka niya!”

“Siraulo! Hindi pa nga kami nagkikita.”

“WHAT?”

“Inalam ko lang ang address niya mula roon sa ospital, pati ang restaurant na pag-aari niya.”

“Grabe pare, hindi ka man lang ba na-curious kung anong hitsura niya?”

“Pinuntahan ko naman siya sa room niya sa ospital kaya lang nakalabas na siya.”

“Alam ko na! why don’t we meet her?”

Makahulugan ang tingin ni Ivan sa kaibigan. Nag-iisip naman si Glenn sa sinabi nito.

Pauwi na si Charlotte mula sa restaurant, sakay ng taxi sa kahabaan ng Taft Avenue.

Huminto ang taxi dahil sa traffic. Napatingin ang dalaga sa right side kung saan nakatigil ang isang kotse. Natigilan siya nang mapagsino ang lalaking nakatayo sa tabi ng kotseng tila nasiraan.

“G-Glenn?…” sa muling niyang pagkakita rito ay tila lumukso ang puso niya sa tuwa. (Itutuloy)