Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-28 na labas

“Yes po, tita, actually sila pa nga po ni daddy ang nag-suggest sa’kin na dito na muna po ako mag-stay para ma-relax ‘yung mind ko.”

“Mabuti naman kung gano’n.”
“Ahm, tita si, si Uncle Romy po?”

Abante Hiring – IT dep

“Naku, sayang, gusto ka talaga niyang makita, kaya lang kailangan na niyang bumalik sa Europe, nandoon na kasi ang trabaho niya.”

“Gano’n po ba?”

“‘Di bale, mamaya mag-skype tayo, siguradong matutuwa siya kapag nalaman niyang magbabakasyon ka dito.”

Matapos makapagpahinga ay nagpaalam na si Ivan kay Glenn.

“Pa’no, pre, kailangan ko nang bumalik sa ­Manila,” ani Ivan habang palabas sila ng bahay.
“Sige p’re, salamat ha, saka tulad ng dati, wala kang alam.”

“Oo naman, kahit nga kating-kati na’kong sabihin kay Charlotte ang totoo e napigilan ko pa rin ang sarili ko alang-alang sa pinagsamahan natin!”

“Oo sige na, utang na loob ko na sa’yo, pero salamat talaga,” sabay tapik ni Glenn sa balikat ng kaibigan na nakangiti.

“Pero, Glenn, okay ka lang ba talaga dito? Ang lungkot ng paligid.”
“Don’t worry, mas magiging okay ako rito kaysa sa America.”

“Okay, sinabi mo ‘yan eh, by the way kung magkakaproblema ka sa therapist na nirerekomenda ng tita mo just call me at hahanapan kita ng bago!”

“Sige, sige, mag-ingat ka ha!”

Ilang araw pa lang si Glenn sa isla na iyon ay binalot agad siya ng kakaibang lungkot. Palagi lang siyang nakaupo sa terrace at tinatanaw ang maalon na dagat.

“Glenn, mamayang gabi ay darating na ang therapist na mag-aalaga sa mga paa mo.”

“Gano’n po ba tita, thanks po.”
Napangiti ang tiyahin niya.

“Alam mo, Glenn, natutuwa talaga ako kapag nakikita kita, naaalala ko ang panganay sa aming tatlong magkakapatid ng mommy mo, ang Tito Gabriel mo.”

“Ah, nabanggit na nga po siya sa akin ni mommy dati at nu’ng maliit pa’ko natatandaan kong ipinakita niya sa akin ang picture ni Tito Gabriel na kamukhang-kamukha ko,” nakangiting tugon ni Glenn.

Related Posts

“Tama ka, kamukhang-kamukha mo nga siya, sayang nga at hindi mo na siya naabutan, isang araw dadalhin kita sa lumang bahay niya.”

“Lumang bahay?”

“Oo, palibhasa wala naman siyang naging pamilya­ kaya nang mamatay siya ay napagdesis­yunan namin na isarado na lang ang bahay niya at hayaan ang mga alaala niya roon. Nililinis ko ang bahay once a week.”

“Malayo po ba rito?”

“Malapit lang, ang totoo tanaw nga ‘yon mula rito eh. Nakikita mo ba ‘yung asul na bahay na ‘yon?”

Tumango ang binata.
“Iyon ang bahay niya, hindi kalakihan pero may basement doon!”

“Mukhang na-excite po akong bigla na puntahan iyon!”

“Sa ibang araw na lang, marami pa kasi akong kailangan gawin ngayon at saka isa pa darating ang therapist mo mamaya.

Siyanga pala, para matutukan ka niya, dito ko muna siya patutuluyin sa bahay sa guest room ko siya patutulugin.”

“Okay lang po, tita, at saka kung kailan na lang po pwede.”
Gabi.
Nakilala ni Glenn ang therapist niyang si Brenda.

“Siya si Brenda, inaanak ko siya, hindi naman halos nagkakalayo ang edad n’yo, at ang good news pa do’n, single and available siya tulad mo!” pakilala at biro ng tiyahin ni Glenn.

“Si ninang talaga!” napapahiyang sabi ni Brenda.

“Asus, joke lang naman! Ito naman si Glenn, kaisa-isang anak ng bunso kong kapatid na nasa Laguna.

Naaksidente siya sa America, ang totoo medyo magaling na naman ang mga paa niya dahil nakapagpagamot na siya at naalagaan na rin ng therapist doon, pero siyempre kinuha ko ang serbisyo mo para tuluyan na siyang gumaling.”

“Don’t worry po, ninang, I’ll take care of him.”
“O pa’no maiwan ko muna kayo.”

Nang maiwanan silang dalawa ay pilit na ipinanatag ni Glenn ang sarili sa babae.
“Glenn, okay lang ba sa’yo na bilang therapist mo ay maging friends din tayo?”

Tumango at matipid na ngumiti ang binata.

Sa kabila ng pagkakaroon ng bagong kaibigan sa katauhan ng therapist niyang si Brenda ay nanatili ang lungkot sa puso ni Glenn. (Itutuloy)