Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-26 na labas

Ang romantikong date na iyon ay humantong sa pribadong silid ni Rick. Sinimulan niyang ilapat ang labi niya sa mga labi ng dalaga. Napapikit si Charlotte subalit ang nadarama niya sa kanyang mga labi ay ang mga labi ni Glenn. Ang yakap ni Rick ay tila mga yakap ni Glenn na nagpapaalala sa kanilang kahapon.

Bago pa mahubaran ni Rick ang dalaga ay agad itong kumalas sa mga bisig niya.

“R-Rick, I’m sorry.”

Natigilan naman ang binata. Su­balit…

“No, ako dapat ang mag-sorry, hindi dapat kita sinamantala,” napapahiyang sabi ni Rick.

“It’s okay, but I think I have to go.”

“Sweetheart, dito ka na magpalipas ng gabi, promise I’ll behave!”

“Hindi kasi pwedeng hindi ako umuwi, kailangan ako ng maaga bukas sa resto.”

“Okay sige, papayagan kita, but let me be your driver okay?”

“Okay fine!”

Pag-uwi sa bahay ay sermon na naman ang inabot ni Charlotte mula sa bff na si Wilma.

“Bes, ano ba talagang plano mo?” tanong ni Wilma habang pinapanood ang paghuhubad ni Charlotte ng suot na sandals.

“Plano saan?”

Related Posts

“Plano sa pakikipagrelasyon mo diyan kay Rick?”

“Wala.” Sabay latag ng katawan ni Charlotte sa mahabang sofa.

“Kung feeling mo hindi niya mapapalitan si Glenn sa puso mo, let him go.”

Napatingin si Charlotte sa kaibigan.

“May paraan ba na hindi ko siya masasaktan?”

“Wala, kasi kahit anong paraan ang gawin mo masasaktan at masasaktan mo pa rin siya, kaya lang mas mabuti na ‘yon kaysa lumalim pa na kasing lalim ng dagat ang sakit kung patatagalin mo pa!”

Tama naman si Wilma. Pero bakit nga ba inabot pa ng isang taon ang pakikipagrelasyon niya kay Rick gayong alam naman niyang wala itong patutunguhan o baka umaasa siya na may patutunguhan ito.

“Pero alam mo Charlotte, hindi naman ako against kay Rick para sa’yo eh, kasi kilala naman natin siya mula pagkabata, alam mo kung saan ako against?

Sa paraan kung paano mo siya mahalin, sana maituwid mo ‘to hangga’t may oras pa, 30 ka na, esep-esep na teh!”

“Opo!”

“Bes, tutal malapit na ang kasal ko, at maiiwan na kita dito na nag-iisa, gagawan kita ng isang malaking favor!”

“Talaga, ano naman ‘yon?”

“Sasamahan kita kay Madam Liweng!”

“What?” natatawang bulalas ni Charlotte. (Itutuloy)