Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-25 na labas

“Iyon na nga eh, five years ago na…five years na rin akong pinahihirapan ng mga panaginip ko tungkol sa kanya…kaya paano ko siya makakalimutan?”

“Ay bes, ano kaya kung balikan natin si ano…si madam…Madam Liweng!”

“Para ano pa?”

“Malay mo matulungan ka niya na malaman ang kinaroroonan ng ex mo!”

Natigilan si Charlotte pero saglit lang at…

“Kung sarili nga niyang mga magulang hindi alam kung nasaan siya, si Madam pa kaya ang makapagsabi sa akin?”

Nameywang si Wilma at saka inikutan ang kaibigan.

“Alam mo hindi talaga ako naniniwala na wala silang alam eh…pero kunsabagay ano naman ang magiging dahilan ng pagtatago ni Glenn kung dead naman na si Alicia, bakit ka naman niya pagtataguan?”

“Hay naku ‘wag na nga nating pag-usapan, sige na punta ka na ng restaurant, sunod na lang ako maya-maya.”

“Okay sige, don’t forget may inventory tayo mamaya ha, baka mag-aya na naman ng date ang present mo!” nakangiting paalala ni Wilma.

Si Ricky na ang bagong bf ni Charlotte. Ang childhood bestfriend niya. Mag-iisang taon pa lang mula nang sagutin niya ito. Nagmamay-ari na ito ng isang resort sa Laguna ngayon.

“Hello Sweetie nasa’n ka?” si Rick sa phone.

“Nandito na ako sa resto, bakit?”

“Nag-prepare kasi ako ng special dinner para sa ating dalawa dito sa resort, sunduin kita 6 p.m. ha!”

“Tonight talaga?”

“Yes, may problema ba?”

“I’m sorry sweetheart, inventory namin ngayon!”

“H-Ha? Gano’n ba…sige sunduin na lang kita by 7 or 8?”

“Sweetheart…sige na nga, pero ‘wag mo na akong sunduin, magda-drive na lang ako papunta diyan.”

Related Posts

“Are you sure?”

“Yes, I’m sure!”

Isang special dinner nga ang dinatnan ni Charlotte sa resort ni Rick sa Sta. Rosa, Laguna. Sinet-up ang isang table na nilagyan ng decoration sa tabi mismo ng pool. Special ang menu kasama ang paboritong pizza ng dalaga at may isa ring bouquet ng rosas sa center ng table.

“Teka, anong okasyon?”

“Sweetie, hindi mo ba talaga alam kung anong meron ngayong araw na ‘to?” kunot-noo pero nakangiting tanong ni Rick.

Napapikit at napailing si Charlotte nang maalala.

“Oh no, I’m sorry, hon, it’s our anniversary!”

“Hon? Tinawag mo ba akong hon?” ulit ni Rick.

Namutla ang dalaga sa pagkakamali.

“Hon? Nasabi ko ba ‘yon? Ah, forget it, sorry talaga!”

“Okay, hindi na importante ‘yon, basta nandito ka I will make sure na magiging masaya ang gabing ito para sa ating dalawa!” sabi na lang ng binata.

Matapos kumain ay isinayaw ni Rick ang girlfriend sa saliw ng violin na pinatutugtog ng inupahang lalaki.

“Happy first anniversary sweetie, are you happy?” si Rick. Habang nakakawit ang dalawang kamay sa beywang ng dalaga.

“Very much!”

Deep inside ay ramdam na ramdam pa rin ng dalaga ang kakulangan. Ang kahungkagan ng pusong nananatiling nakayakap sa kahapon. Tinanggap niya ang pag-ibig ni Rick para subukang kalimutan ang nakaraan, subalit tila nagkamali siya ng desisyon, dahil sa bawat matatamis na salita, sa bawat pag-alala at pagmamahal na ipinapakita ni Rick sa kanya ay lalo lang niyang naaalala si Glenn.

Napapikit siya, at sa pagpikit niya ay malinaw niyang nakita ang imahe ni Glenn na sa simula pa lang ay madalas na niyang makita sa kanyang mga panaginip. Ito ang lalong nagpapahirap sa kanya…ang mga pangitain at panaginip na hindi na niya maalis sa sistema niya.

“Charlotte, are you crying?” tanong ni Rick nang mapansin ang mga butil ng luha na pumatak sa pisngi ng dalaga.

“H-ha?”

Pinahid ni Rick ng daliri niya ang mga luhang iyon.

“Sweetheart, ano bang iniisip mo?”

“W-wala…masaya lang ako…siguro tears of joy, hindi ko nga namalayan eh…” (Itutuloy)