Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-24 na labas

Binitiwan ni Glenn ang kape. Tumayo at niyakap ang nobya. Isang mahigpit na yakap na nagpapadama ng tunay na pag-ibig.

“Aasa rin ako Charlotte, aasa rin ako sa pag-ibig natin, ipinapangako ko sa’yo na babalikan kita, babalik ako para sa pag-ibig nating dalawa.”

Nagsimulang umagos ang luha sa pisngi ng dalaga kasabay ng pangingilid din ng luha ni Glenn.

Pareho silang hindi na pumasok sa kani-kanilang trabaho at sa halip ay pinuno nila ng pagmamahalan ang bawat sandali at bawat sulok ng bahay na iyon. Ipinaubaya ni Charlotte ang kanyang sarili sa lalaking pinagkakatiwalaan niya ng kanyang puso. Hinayaan niyang tangayin siya ng damdaming nasasabik sa mga yakap at halik ng taong mahal.

Nagpaalipin siya sa bawat indayog ng katawan na sumusunod lang sa dikta ng kanilang mga puso. Inangkin nila ang katas ng pagsuyong nangangako ng kailanman. Hanggang umabot sila sa sukdulang nag-uumapaw sa kaligayahan na ayaw ng wakasan.

“Honey, thank you dahil pinagkatiwalaan mo ako,” halos pabulong na sabi ni Glenn habang nakaunan sa braso niya ang dalaga.

“Disappointed nga ako sa sarili ko.”

“Bakit naman?”

“Kasi naisuko ko na ngayon ang pagkababae ko, kapag humarap ako sa altar hindi na ako malinis.”

Kinuha ni Glenn ang kamay ng dalaga at masuyong hinagkan.

“I’m sorry Charlotte…nagsisisi ka ba?”

“Hindi naman sa gano’n.”

“Alam mo bang sa mga sandaling ito, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo?”
“Alam ko, ramdam ko, kasi ako rin naman eh.”

Hinawakan ni Glenn ang mukha ng dalaga at bahagyang inilapit sa kanya at saka tinitigan ito.

“Salamat honey, salamat sa walang alinlangan mong pagmamahal.”

At muli ay isang masuyong halik ang iginawad ni Glenn sa nobya.

Parang kahapon lang ang lahat, parang ang mga yakap at halik na ‘yon ay damang-dama pa ni Charlotte sa kanyang katawan at labi. Habang pinapanood niya ang malakas na buhos ng ulan mula sa bintana ng bagong bili niyang bahay sa Tagaytay.

Dito niya naisipang bumili ng bahay mula sa naipon niya dahil dito rin sa lugar na ito niya binuksan ang bagong branch ng Lucia’s restaurant .

Sa pagkakataong ito ay katuwang na niya si Wilma dahil nag-resign na ito sa pinapasukang kumpanya. At tulad ng dati ay magkasama pa rin sila sa bahay. Hindi na nga lang magtatagal dahil malapit nang ikasal si Wilma. Mula nang mawala si Glenn ay nawalan na rin siya ng gana sa pagsusulat ng libro.

Ang huling pocketbook kasi na sinusulat niya ay tungkol sa kanilang dalawa ni Glenn at may kinalaman ito sa reincarnation. Pero ayaw niya itong bigyan ng hindi magandang wakas tulad ng nangyari sa kanila ni Glenn kaya minabuti niyang itago na lamang ito at hayaan na walang wakas.

“Bes, naiisip mo na naman ba siya?”

Napalingon si Charlotte. Hindi niya namalayan ang paglapit ng kaibigan.

“Bigla na lang siyang pumapasok sa isip ko eh.”

“Charlotte, unfair naman kay Rick kung hanggang ngayon hindi ka pa rin maka-move on move on diyan sa ex mo. Remind ko lang ha, hindi lang kayo kahapon nagkalayo, five years ago na!”

Tinalikuran ni Charlotte ang kaibigan bago muling nagsalita. (Itutuloy)