Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-23 na labas

“Aaahhh! Grabe na’to! Ano ba talagang gagawin ko?”

Ilang beses na siyang bumangon at humiga sa higaan. Ilang beses na rin siyang tumayo para uminom ng tubig. Ilang beses na rin niyang niyakap at ibinalibag ang unan. Sa huling beses nang pagbalibag niya sa unan ay siyang bungad ni Wilma sa pintuan ng kuwarto kaya naman nasapol ito sa mukha mismo.

“ARAY!”

“Ay sorry naman! Ba’t kasi bigla kang sumusulpot diyan para kang ghost!”

“Ako ba talaga ang ghost o ikaw na hatinggabi na e gising na gising pa? hindi kaya ako makatulog sa’yo, nararamdaman ko ang mga kaluskos mo diyan!”

Naupo si Charlotte sa gilid ng kama niya at kunot-noong niyakap ang isa pa niyang unan.
“E kasi naman bes nahihirapan akong magdesisyon.”

“Baka naman kasi tumeteleserye lang ‘yang Alicia na ‘yan? Paano naman kayo nakasiguro na hindi peke ang mga ipinakita sa inyong medical records ng auntie niya?” kunot-noo ring balik-tanong ni Wilma.

“Na-feel ko naman na mukha namang sincere yung matanda sa mga sinabi niya, ang problema ko lang talaga bes, hindi ko alam kung keri ko pang mawala sa akin ng matagal ang honey ko, parang eto na naman mawawalan na naman ako ng Glenn sa buhay ko! ayoko nang maulit ang dati!”

Lumapit si Wilma sa kaibigan at naupo sa tabi nito.

“Charlotte, hindi naman siya totally mawawala sa’yo eh, magpapahiram ka lang ng konting panahon para sa ex niya, e ‘di pag-natsugi na si ex, together na ulit kayo ng honey mo!”

“Grabe ka naman, paano kung maiba ang takbo ng istorya, kung magmilagro si God at gumaling si ex, baka ako naman ang matsugi sa frame niyan?”

“Iyon lang! pero ito na lang ang isipin mo bes, yung reincarnation, sigurado ako meant-to-be talaga kayo ni papa Glenn, kaya itong pagsubok na ito malalampasan nyo ito, dahil kahit anong mangyari ikaw at si Glenn ang itinakda at walang makakahadlang no’n!”
“Naniniwala ka ba talaga do’n?”

“Paniniwalaan ko para sa’yo!”

Kinabukasan. Mabigat ang pakiramdam ni Charlotte kaya hindi niya makuhang bumangon.

Nakapagpasya na kasi siya at hindi bukal sa loob ang desisyong napili niya. Narinig na lang niya ang tinig ni Glenn na bagong dating at ni Wilma na nagpapaalam na dito. Dali-dali siyang napatayo at pumasok sa banyong nasa loob ng kuwarto niya at saka inayos ang sarili.

“Good morning hon, ang aga mo yata?”

“Papasok pa lang ako sa office, pero naisip kong puntahan ka muna.”

“Bakit? Teka gusto mo ba ng kape?”

“Sige, share na lang tayo.”

“Sure!”

Pagkatimpla ng kape ay naupo si Charlotte sa tabi ni Glenn na nasa mesa.

“Excited ka bang malaman ang desisyon ko kaya dinaanan mo ako ng maaga?” malungkot na tanong ng dalaga.

“Hon, hindi sa gano’n, gusto ko lang i-check kung okay ka.” Natatawang sabi ng binata.

“Ang totoo madaling-araw na yata ako nakatulog kakaisip sa problema natin, pero nakapagdesisyon na’ko.”

Natigilan si Glenn sa paghigop ng kape.

“Glenn, you know I hate this moment, kung pwede lang ‘wag na nating pag-usapan ito, pero kailangan eh, kailangan diba?”

“Yeah, actually, kagabi I’ve talked to Alicia’s mom over the phone, siya ang kasama ngayon ni Alicia sa America, and she confirmed  about Alicia’s condition.”

Saglit silang kapwa natahimik.Isang katahimikan na nagbabadya ng walang limitasyong kalungkutan sa mga pusong sabik pa sa yakap ng pag-ibig.

“Hon, hindi madali sa akin ito, pero ayoko namang maging selfish, kaya lang pwede bang ipangako mo sa’kin na babalik ka?”

“Ang ibig bang sabihin niyan pumapayag ka na samahan ko si Alicia sa America?”

“Ang totoo ayoko, ayokong magkalayo tayo, kaya lang, kailangan ka niya, mas kailangan kaysa sa’kin, ngayon pa lang ramdam na ramdam ko na yung sakit ng kalooban, yung paghihirap ng puso ko habang magkalayo pa tayo, pero gusto kong umasa sa pag-ibig nating dalawa at yun ang pang­hahawakan ko.” (Itutuloy)