Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-21 na labas

Paglabas ni Charlotte ng elevator ay sinundan niya ng tingin ang babae. Napakunot noo siya at napaisip sa sinabi nito.

“Matapos niya akong padalhan ng mga pictures nila ni Glenn na magkatabi sa kama, iyan ang sasabihin niya sa akin?”

Nasorpresa naman si Glenn sa pagsulpot ni Charlotte sa opisina niya.

“HONEY!” bulalas ni Glenn nang makita ang nobya.

Lumapit ang dalaga at hinalikan sa pisngi ang binata.

“Hi hon, ipinagluto kita ng adobong manok!”

“Really? Thank you so much, hon!”

“Your welcome, by the way nakasabay ko sa elevator si Alicia.”

“What? Pero hindi naman siya galing dito?”

“Baka may iba siyang pinuntahan, or hindi na siya tumuloy kasi nga nakita niya ako.”

 “Baka nga,” may pag-aalala sa tinig ni Glenn. Nahalata naman iyon ni Charlotte.

“Alam mo, okay lang ‘yon, hindi naman ako na-tense sa pagkakasabay namin sa elevator, in fact meron pa nga siyang sinabi na hindi ko sure kung ikakagulat mo.”

“Ano ‘yon?”

“Sinabi niya sa akin na ingatan daw kita at mahalin nang higit sa pagmamahal niya, hindi ko nga maintindihan, kasi after niyang balakin na sirain tayong dalawa bigla na lang siyang magi­ging mabait.”

Saglit na natahimik si Glenn na may pagtataka rin sa anyo.

“Nakakapagtaka nga ‘yon, pero baka kasi na-realize na rin niya na wala na siyang magagawa, kaya nagpaubaya na lang?”

Inakbayan ni Charlotte ang nobyo.

“Well, kung totoo nga ‘yon at sincere talaga siya sa sinabi niya, happy ako at wish ko rin na matagpuan na niya ‘yung right guy for her.”

Gabi. Kadarating pa lang ni Glenn sa apartment nang makatanggap siya ng tawag mula ulit sa tiyahin ni Alicia.

“Glenn, bukas na ang flight niya, pwede ba kitang makausap?”

“Tita, I’m sorry, pero nagkausap na po kami ni Alicia at ganoon din sila ni Charlotte.”

“Hindi mo naiintindihan, Glenn, hindi mo kasi alam.”

“Ang alin po?”

“Alicia is suffering now sa kanyang brain cancer, at ang gusto lang niya ay makasama ka sa mga natitira pa niyang oras, pero ayaw niyang malaman mo.”

“Tita, is this her plan b?”

“Okay kung ayaw mong maniwala hindi kita pipilitin, tutal naman ay nagdesisyon na siyang bumalik sa America.”

Pagkasabi niyon ay ibinaba na ng matanda ang telepono. Napaisip si Glenn. Paano kung nagsasabi ng totoo ang matanda? Kung totoo man iyon, ano ba ang dapat niyang gawin?

“Aaahh, Alicia, ano ba talagang nangyayari sa’yo?” kausap ni Glenn sa sarili.

Kinonsulta niya si Charlotte tungkol sa natanggap niyang tawag mula sa auntie ni Alicia. Magkatabi silang nakaupo sa isang table sa restaurant ng dalaga.

“Ano ba ‘yan, akala ko wala na tayong problema sa ex mo,” malungkot na sabi ni Charlotte.

 “Sana part lang ito ng mga plano niya, dahil kung gano’n pwede na lang nating ‘wag patulan, pero paano kung totoo?”

Hindi sumagot si Charlotte. Hindi kasi niya alam kung anong dapat niyang isipin at sabihin.

“Charlotte, kailangan kong malaman kung may katotohanan ang lahat.”

“At kung totoo, anong gagawin mo?”

Nagpalipas ng ilang saglit si Glenn bago sumagot.

“Susundan ko siya sa America, at kung pwede, bigyan mo ako ng panahon na manatili sa tabi niya.”

Hindi makapaniwala si Charlotte. Totoo ba ang narinig niya? Pipiliin ni Glenn na samahan si Alicia kaysa sa kanya? Kunsabagay, napaka-selfish naman niya kung ipagdadamot niya ang nobyo sa ex nito na mamamatay na.

“Charlotte, it doesn’t mean naman na siya na ‘yung pinili ko, naisip ko lang kasi after all those years na pinagsamahan namin since childhood I think it’s fair naman na samahan ko rin siya sa mga pinagdadaanan niya ngayon, hanggang sa huli, payag ka ba?” (Itutuloy)