Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 562

Ika-2 na labas

At sa halip ay parang nakadama pa ng excitement ang puso niya nang makita niya ito…

Nasa ganoon siyang isipin nang big­lang sumakit ang ulo niya…

 “Aah…” sapo ang ulo ay bumalik si Charlotte sa silid niya.

Mag-isa lang sa Maynila si Charlotte, magkasama sila sa isang condo ng bff na si Wilma. Nasa probinsya kasi sa Batangas ang mga magulang niya at nag-iisang ka­patid, ang kuya Charlie niya.

 “Bes sure ka ba okay na okay na ang pakiramdam mo, masyado ka naman yatang nagmamada­ling lumabas ng ospital?” tanong ni Wilma habang sakay sila ng elevator.

 “Sobrang okay na ‘ko, ‘yung sakit ng ulo na nararamdaman ko parang after shock na lang ng nangyari sa ‘kin.”

“Uy Charlotte, muntik ko nang makalimutan, bago umuwi sina nanay kanina binilin niya na ‘wag na raw kita haha­yaang magmanehong mag-isa, ang sabi ko naman wala na tayong imamaneho dahil wasak na si Pretty!” nanay rin ang tawag ni Wilma sa nanay ni Charlotte at Pretty naman ang pangalan ng kotse ni Charlotte na nabangga.

“Pero alam mo bes, balak ko pa ring ipagawa si Pretty, kasi mami­miss ko siya ng todo…” sagot ni Charlotte habang pumapasok sa unit nila.

 “What? Kahit pa muntik ka nang mag-disappear dahil sa kotseng ‘yon?”

 “Regalo sa ‘kin ‘yon ni Glenn nung first anniversary namin kaya ang hirap sa loob kong i-let go din siya…” pabagsak na naupo si Charlotte sa sofa.

 “Ayun exactly! Malamang gusto ka nang sunduin ni Glenn through that car! Saka sige bawiin mo do’n sa mga pulis ‘yung kotse mo! dinala na nila ‘yon sa dapat paglagyan!”

Maya-maya ay narinig nilang tumunog ang doorbell.

“Ako na.” si Wilma. Tumayo ito at binuksan ang pinto.

“OMG! Para sa’kin ba ‘to?” gulat nitong tanong sa lalaking may hawak ng isang boquet  ng red roses.

 “Kayo po ba si Charlotte Avellana?”

Umiling si Wilma bago bumaling kay Charlotte na nasa sofa.

 “Girl, may flowers ka!”

Matapos pirmahan ay tiningnan na ni Charlotte ang card na nakadikit dito. Buo na sa isip niya na ang suitor niyang customer sa restaurant ang nagpadala nito, pero nagulat siya nang ibang pangalan ang mabasa niya.

 “From Glenn?”

 “Bes, pinagmumultuhan ka ba ng ex mo?”

 “Ex ko o yung nakabanggaan ko?”

 “Ay,oo nga! Si Glenn! Ang sweet naman!”

 “Nakalagay dito na sorry daw sa nangyari at sorry kasi hindi man lang niya ako nadalaw sa room ko pero babawi daw siya…”

 “Aaaayyy, ang sweet talaga! sabi ko na nga ba, meant to be kayo!”

 “Sira, nagpadala lang ng bulaklak meant to be na?”

Related Posts

Inilagay ni Charlotte sa vase na nasa side ng wall ang bulaklak.

Gabi. Laman ng pa­naginip ni Charlotte ang nangyaring aksidente nila ni Glenn. Sa panaginip niya ay parehong humiwalay ang mga kaluluwa nila sa mga katawan nilang tila wala ng buhay. Nilapitan nila ang isa’t isa at sabik na nagyakap. Isang mahigpit na yakap na nagpadama sa kanila ng wagas na pag-ibig.

Biglang napabalikwas ng bangon si Charlotte. Ramdam pa niya ang init ng yakap ng estrang­herong lalaki.

 “Bakit ko ba siya na­panaginipan ng gano’n?…”

Niyakap ni Charlotte ang sarili habang pilit na inaalis sa isip ang imahe ng bagong Glenn sa buhay niya.

Kinabukasan.

“Bes, hindi mo kakayanin kapag nakita mo kung sino ang bisita mo ngayon!” nakangiting bungad ni Wilma sa pintuan ng unit nila.

 “S-si Glenn?” kabadong hula ng dalaga.

 “Wow at inexpect mo talaga siya ha? since mali ang hula mo, papapasukin ko na lang siya…DYARAAAN!”

Ang kunot na noo ay napalitan ng isang maluwang na pagngiti nang bumungad ang bisita.

 “RICK!” bulalas ni Charlotte.

Si Rick ang childhood friend at itinuturing na  bestfriend din ni Charlotte bukod kay Wilma.

 “My dearest  bestfriend how are you?

Niyakap nila ang isa’t isa.

“Eto, okay na okay na!”

“Sorry kung late ako ha, nagkaproblema kasi sa flight ko kaya na-postpone ang pagdating ko, but I’m glad na nakaligtas ka sa aksidenteng ‘yon!”

“Thank God at ligtas ako! Teka, saan ka mag-stay ngayon?”

“As usual, kina Uncle Dom, kung saan ako nag-stay the last time na umuwi ako.”

Biglang rumehistro ang lungkot sa mukha ng dalaga dahil ang huling uwi ni Rick ay noong funeral ng bf niyang si Glenn.

“Oh ‘wag ka ng malungkot, he’s  very happy now in heaven.” Sabay pisil ni Rick sa pisngi ng dalaga.

“I know…hindi ko lang talaga maiwasan…”

“Kung gano’n, bakit hindi na lang tayo umorder ng paborito mong pizza?”

Alam na alam talaga ni Rick kung paano pababalikin ang ngiti sa labi ng kaibigan.

“SURE!” nakangiti na nitong tugon.

Tapos na ang pahinga ni Charlotte at kailangan na niyang bumalik sa trabaho. Sa edad na 25 ay nagpapatakbo na siya ng isang restaurant.

Ang Lucia’s restaurant. Minana niya ito sa tiyahing matandang dalaga na kamamatay lang one year ago. Ang tita Lucia niya na nakakatandang kapatid ng nanay niya. Since tapos siya ng HRM at siya ang paboritong pamangkin kaya sa kanya ipinagkatiwala ang restaurant.

“O kumusta naman kayo dito?” tanong ni Charlotte sa kaibigang chef na si Drew na dati ng empleyado ng Tita Lucia niya. (Itutuloy)