Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-18 na labas

“Akala ko ba nagkaintindihan na tayo?”

“Hindi mo naiintindihan Glenn…ang pinagsamahan natin…ang mga pangako natin sa isa’t isa…ang mga pangarap natin…bakit parang bulang naglaho?”

“Ikaw ang unang tumalikod sa atin dalawa.”

Tumingin si Alicia sa mga mata ni Glenn.

“Ako? Nagpunta ako sa America para sa panga­rap natin! Alam mo kung wala kang magandang sasabihin sa’kin ngayon mabuti

pang umalis ka na! Bakit ka ba nandito, tinawagan ka ba ni aunty?”

Sa halip na sumagot ay inilayo ni Glenn ang wine sa maaabot ng dalaga.

“Hindi ako aalis nang hindi ka okay,” mahinang sabi ni Glenn.

“Then make love to me!” sabay lapit at yakap ni Alicia sa binata.

“Alicia, don’t do this please?”

Kinalas ni Alicia ang sariling yakap.

“Okay, kung ayaw mo, e ‘di samahan mo na lang akong uminom, for the sake of our past…”
Naiiling si Glenn sa ikinikilos ng dalaga.

“Glenn please, samahan mo lang akong uminom ngayong gabi, and then after this I’ll go back na to America, promise!”

Alam ni Glenn na nakainom na ang dalaga. Kung iiwan niya ito sa ganito nitong sitwasyon, mababalewala ang paghingi sa kanya ng tulong ng aunty nito. Kaya naman pinagbigyan ni Glenn ang dating nobya.

“Okay, let’s drink.”

Subalit lingid sa binata ay may ibang plano si Alicia. Hindi ito nagpakalunod sa alak at sa halip ay dinaya niya ang tagay ni Glenn kaya naman ito ang nalasing nang husto at hindi siya.

Nang makatulog si Glenn sa kalasingan ay hinubaran niya ito at kinuhanan ng picture sa tabi niya.

Kinabukasan. Maganda ang gising ni Charlotte. Laman kasi ulit ng panaginip niya si Glenn. Napapa-hum pa siya habang nagtitimpla ng kape.

“Hummm, hummm…”

Matapos magtimpla ay pumwesto siya sa bintana at tumanaw sa labas habang humihigop ng mainit na kape.

“Hmm, ang sarap sa pakiramdam, ang gaan-gaan ng lahat, kahit na binabagabag pa rin ako ng mga kakatwang panaginip ko, panatag na ako sa pagmamahalan namin ni Glenn…sigurado akong siya na talaga ang gusto kong mahalin ko sa habambuhay…” kausap ni Charlotte sa sarili.

Related Posts

Palabas na siya sa pintuan ng unit nila nang dumating ang isang delivery man.

“Good morning po. Ito po ba ang unit ni Miss. Charlotte Avellana?”

“Ako po ‘yon, bakit po?”

“Special delivery po ito para sa inyo.”

“S-sa akin?”

“Mula po sa isang Miss Alicia Montes.”

“Alicia Montes?”

“Pakipirmahan na lang po ma’am.”

Matapos pirmahan ay marahan at kabadong binuksan ni Charlotte ang small envelope.

Napakunot ang noo niya nang makita ang nilalaman niyon.

Mga picture nina Alicia at Glenn na magkasama sa iisang kama. Umalon ang galit sa dibdib niya pero pilit niyang pinakalma ang sarili.

“Take a look at the picture, Charlotte, nakapikit si Glenn…baka hindi niya alam…baka tulog siya or what…pero bakit siya nando’n…bakit sila magkasama?…baka naman lumang picture na ang mga ‘yan?” hindi malaman ng dalaga kung ano ang sasabihin para makumbinsi niya ang sarili na walang kasalanan si Glenn sa mga larawang iyon.

Samantala.

“Oh God, ang sakit ng ulo ko…” sapo ni Glenn ang sariling ulo habang nakaupo sa table niya sa office.

Bumungad si Ivan mula sa pintuan at diretsong naupo sa kaharap na silya ng kaibigan.

“Siguradong mas titindi pa ang sakit ng ulo mo sa sasabihin ko sa’yo, p’re!”

“Ha? Bakit may problem na naman ba sa team?”

“Sa team wala, pero sa ka-loveteam mo meron, at malaking-malaki!”

“Ano bang pinagsasasabi mo?”

“Dumaan si Alicia rito kanina at ipinaabot sa’yo ang mga pictures n’yo, at ang sabi whatever happens maghihintay daw siya sa’yo.”

Nagmamadaling kinuha ni Glenn ang mga pictures sa kamay ni Ivan.
“What the…”

Inihabilin ni Glenn ang mga gawain kay Ivan at saka mabilis na umalis ng opisina para puntahan si Alicia sa bahay ng tiyahin nito. Tila sigurado naman si Alicia sa pagdating ng dating nobyo kaya nakaupo na ito sa sofa at naghihintay.

“Alicia, what’s this?” (Itutuloy)