Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-17 na labas

“But I’m here now, baka nangulila ka lang sa’kin kaya nabaling ang pagtingin mo sa iba, look Glenn nandito na’ko, hindi mo na siya kailangan!” sabay yakap ni Alicia sa dating nobyo.

Marahan namang tinanggal ni Glenn ang yakap ng dalaga.

“Please…hindi ko gustong masaktan ang damdamin mo…”

Masama ang loob na kinuha ni Alicia ang handbag niya sa sofa at saka tinalikuran ang binata.

Nang makaalis na ang dalaga ay saka ibinagsak ni Glenn ang katawan sa sofa. Hindi rin niya akalain na darating sila ni Alicia sa ganitong sitwasyon.

Childhood sweetheart sila at akala niya ay siya na ang ihaharap niya sa dambana. Pero ano nga bang magagawa niya kung iba na ang itinitibok ng puso niya ngayon?

Habang tumatagal ay lalo namang napapamahal sina Glenn at Charlotte sa isa’t-isa. Hindi na masyadong alintana ni Charlotte ang mga kakaiba niyang pangitain dahil halos malunod siya sa pagmamahal at atensyon na ibinibigay ng nobyo.

“O bakit nagpadala ka na naman ng bulaklak? Baka naman maubusan na ang flowershop niyan!” si Charlotte habang nagluluto, kausap si Glenn sa cellphone.

“Busy kasi ako ngayon sa work, kaya kahit man lang through flowers, e maramdaman mo ang presensya ko!” sagot ng binata sa kabilang linya.

“That is sweet, pero hon kailan ba ulit tayo lalabas, I miss you na!” sinadya ni Charlotte na lambingan ang boses.

Related Posts

“Don’t worry, next week hindi na kami masyadong busy sa office kaya makakapag-date na ulit tayo, by the way nasa plan ko namang bisitahin ka this weekend eh!”

“Sure ‘yan ha?”

“Yes, sure 100 %”

Matapos makipag-usap ni Glenn sa nobya ay nakatanggap naman siya ng tawag mula sa aunty ni Alicia.

“Glenn, please come over, hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay Alicia, dapat ay nakabalik na siya sa America pero heto, puro alak ang hinaharap niya almost everyday!” puno ng pag-aalala ang tinig ng matandang nasa sitenta na ang edad.

Dahil sa sinabi ng matanda ay napilitan si Glenn na puntahan ang dating nobya. Sa bahay ng tiyahin ito tumutuloy ngayon.

“Nasa kuwarto siya.” anang matanda.

Bukas ang pinto ng kuwarto kaya dumiretso na ng pasok si Glenn.

“Alicia?”

Hindi lumingon ang babae. Nanatili itong nakasandal sa gilid ng kama niya, hawak ang isang bote ng wine. Lumapit si Glenn at kinuha nito ang bote ng alak.

“Alicia, why are you doing this to yourself?”

“Why? It’s all because of you.” (Itutuloy)