Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 562

Ika-16 na labas

“Yes, si tatay ang may gawa niyan, sa pagkakatanda ko ten years old ako nang gawin ni tatay ‘yan at si kuya naman twelve pa lang no’n! alam mo marami kaming memories ni kuya sa tree house na ‘yan, lalo na nung mag-high school kami!”

“Talaga? pwede ba tayong pumasok sa loob?”

“Sige, tara, ingat ka lang sa hagdan kasi medyo marupok na sa katagalan, ang daming bagyo na rin ang dinaanan ng puno na ‘to, pero heto pa rin siya at matatag na nakatayo!”

Malaking puno ng mangga ang siyang kinala­lagyan ng maliit na bahay na iyon. Inalalayan ni Glenn si Charlotte sa pag-akyat.

“Teka umuuga yata!” si Charlotte.

“Buti pa, ako ang maunang umakyat, tapos kapit ka sa beywang ko para hindi ka malaglag!”

“Sige, sige!”

Nang parehong makarating sa itaas ay nagpasya silang maupo sa bukana nito.

“Alam mo dati maraming laman ang bahay na’to, nandito ang mga laruan namin ni kuya at kung anu-ano pang bagay, at kapag napapagalitan kami, dito kami tumatakbo para magpalipas ng oras, natatandaan ko nga isang beses, hindi namin inaasahan na bibisitahin ni nanay ang tree house, kaya ayun, nakita niya yung mga kendi na itinatago namin ni kuya, nakita mo yung sabitan na ‘yon, don namin isinabit ang mga kendi para hindi langgamin at para hindi makita nila nanay at tatay!” sabay turo ni Charlotte sa munting sampayan nila sa loob.

“Ah bawal kayong kumain ng kendi no?”

“Oo kaya galit na galit si nanay, ang ginawa niya ipinamigay niya yung mga kendi namin sa ibang bata kaya kami ni kuya, iyak kami ng iyak!”

Natawa si Glenn sa kuwento ng nobya.

Maraming bagay pa silang napagkuwentuhan tungkol sa tree house at mga pangyayari sa buhay ng dalaga noong kabataan nito.

Pababa na sila nang biglang sumakit ang ulo ni Charlotte. Napahawak siya nang mahigpit sa puno. Pero biglang nag-krak at tuluyang bumigay ang isang baitang ng baging na hagdan kaya naman nawalan siya ng balanse at nahulog sa madamong lupa.

Mabuti na lang at nahawakan pa siya ni Glenn at magkapatong silang bumagsak kaya hindi ganoon kasama ang paglagapak ng katawan niya. Si Glenn nga lang ang napunta sa ibabaw.

“Charlotte okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Glenn habang tinutulungang makatayo ang nobya.

“Hindi, hindi okay, sumasakit na naman ang ulo ko…”

“Teka, kumapit ka sa leeg ko bubuhatin kita pauwi sa inyo!”

“Wag na, please mag-aalala lang sila, pwede bang bigyan mo lang ako ng konting minuto, hayaan mo lang muna akong mahiga sa loob ng tree house.”

“Kaya mo pa bang umakyat, nasira na yung isang baitang!”

“S-sige na pakiusap.”

“Teka, may naisip ako, dito ka na lang humiga, gawin mo na lang unan ang hita ko. Hihilutin ko ang ulo mo baka sakaling makatulong.”

“S-sige, mabuti pa nga.”

Iyon nga ang ginawa nila. Habang nakaunan sa hita ng binata ay napapikit si Charlotte.

maatake na naman ang kababalaghan na nangyayari sa kanya. Sa gising na diwa niya ay malinaw niyang nakikita ang imahe ni Glenn at ng sarili habang nagtatampisaw sa dagat.

Ume-echo pa ang masasayang tinig nila.
“Glenn,” bulong niya.

“Charlotte, nandito lang ako, ano bang nararamdaman mo?”

Pero hindi sumagot ang dalaga at nanatili lang itong nakapikit habang tuloy sa paghilot si Glenn sa ulo niya.

Habang pinagmamasdan ni Glenn ang mukha ng nobya ay lalo siyang naaakit dito. Ang simpleng kagandahan nito ay hindi nakakasawang titigan. Lalo na ang mapupulang labi na tila nag-aanyaya ng isang halik. Unti-unti ay inilapit ng binata ang mukha niya sa mukha nito Subalit bago pa niya mailapat ang mga labi ay nagmulat ng mata si Charlotte.Hindi ipinahalata ni Glenn ang pagkagulat niya.

“Glenn?”

“G-gising ka na, ano bang nangyari, may nakita ka na naman ba?”

Marahang tumango ang dalaga.

“I’m sorry, pati ikaw nadadamay.”

“Nadadamay? Okay ka lang ba, ako ang nakikita mo sa mga panaginip mo at kahit gising ka, at higit sa lahat ako ang boyfriend mo kaya anuman ang mangyari sa’yo natural lang na may concern ako!”

Hinawakan ni Glenn ang kamay ng dalaga pagkasabi niyon. Bumangon si Charlotte at naupo sa tabi ng nobyo. Inihilig ang ulo sa balikat nito.

“Salamat Glenn.”

Pagbalik nila sa Manila. Nagulat si Glenn nang madatnan sa apartment niya si Alicia.
“ALICIA!”

Mula sa pagkakaupo sa sofa ay binitiwan ni Alicia ang hawak na magazine at tumayo.

Excited na lumapit sa binata na nasa pintuan at humalik sa pisngi nito. Walang reaksyon si Glenn.

“Alicia, paano ka nakapasok dito?”

Nalimutan mo na ba I have a duplicate key? Nasorpresa ba kita, bakit parang multo ang nakita mo at hindi ang girlfriend mong matagal mo ring hindi nakita?”

 “Exactly, matagal na tayong hindi nagkikita at matagal na ring walang komunikasyon, ano bang ginagawa mo rito?” tanong ni Glenn habang papasok sa loob.

 “Ouch! Kinalimutan mo na ba talaga ko Glenn?”

 “Alicia, we broke up, almost two years ago kaya I don’t think kailangan ko pang sagutin ang tanong mo.”

 “Just answer me, wala na ba talaga ako sa puso mo?”

Tumingin si Glenn sa mga mata ng dalaga bago sinagot ang tanong nito.
“I-I just fell out of love…”

Hindi agad nakaimik si Alicia. Ilang Segundo ang pinalipas niya bago muling nagsalita.

 “S-So totoo nga…”

 “Totoo ang alin?”

 “Totoong may mahal ka ng iba…”

Napabuntong-hininga si Glenn. Pero wala siyang balak magsinungaling kay Alicia.

“I’m sorry Alicia, it’s just happened… matagal kong pinag-isipan kung susundan kita sa America, pero suddenly I woke up na may iba ng laman ang puso ko…” (Itutuloy)