Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-15 na labas

“Yes, one week, pero kung ayaw mo e ‘di ako na lang, okay lang ba sa’yo na mauna kang bumalik sa Manila?”

“Of course not! Sasamahan kita dito, tatawagan ko na lang si Ivan para masabi niya sa office.”

“Wow, ang sweet naman ng boyfriend ko…promise mag-e-enjoy ka dito!” sabay hilig ni Charlotte ng ulo niya sa balikat ng binata.

Sa kuwarto ni Charlie pinatulog ng pamilya si Glenn. Samantalang sa dati naman niyang kuwarto natulog si Charlotte.

Kinabukasan, tulog pa ang dalaga nang tumunog ang cellphone niya.

“Hello Wilma, napatawag ka?” halos nakapikit pang tanong ni Charlotte.

“Hello! Sino ba naman ang hindi mapapatawag e hindi ka pala umuwi kagabi? Naku bes ha, baka kung saan na kayo nagpalipas ng gabi ni Glenn!”

“Ikaw talaga, pero sorry bes ha, nakalimutan kitang i-inform na nandito pa kami ni Glenn sa bahay, napagkasunduan kasi namin na mag-stay dito ng one week…”

“Huwat? One week talaga, paano ang trabaho n’yo?”

“Don’t worry tatawagan ko si Chef Drew, si Glenn naman tatawagan niya si Ivan.”

“Naku bes ha, reminder lang, hindi pa naman katagalan ang love story n’yo ‘wag ka munang magpakaseryoso masyado at alam mo na, hindi mo pa siya lubos na kilala!”

“Yes I know, kaya nga binibigyan namin ng pagkakataon ang isa’t isa para magkakilala nang husto!”

“O sige na, ‘yun lang, at least hindi na’ko masyadong nag-aalala sa’yo ngayon, konti na lang bye, papasok na’ko sa work.”

“Bye bes, ingat ha!”

Nagulat pa si Charlotte nang pagpunta niya sa kusina ay maabutan niya si Glenn at ang nanay niya na magkatulong sa paghahanda ng almusal.

Related Posts

“Aba, this is my plan, ang ipagluto kayo ng agahan pero mukhang late na ako!” nakangiting bungad ng dalaga.

“Good morning honey!” bati ni Glenn sabay halik sa pisngi ng dalaga.

“Good morning anak!” bati rin ni Aling Clara.

“Good morning sa inyong dalawa!”

“Actually anak, ako lang naman talaga dapat ang magpe-prepare ng almusal, pero itong boyfriend mo nakakagulat, alam mo bang naabutan ko na siyang nagkakalkal dito sa kusina at naghahanap ng maluluto? Gusto ka raw niyang ipagluto ng breakfast, kaya tinulungan ko na lang siya!”

“Hmm, ikaw honey ha, nagpapalakas ka ba sa’kin?”

“Medyo, pero gusto ko lang talagang samantalahin ‘yung pagkakataon na magkakasalo tayo sa agahan at mapapatikim kita ng specialty kong fried hotdog, fried egg and of course fried rice!” pagmamalaki ni Glenn.

“Specialty talaga?”

“Oo naman, pero meron pa, ang chicorn soup!”

Kinuha ni Glenn ang tinutukoy na chicorn soup at ipinakita sa dalaga.

“Natutunan ko ito sa mommy ko, chicken with corn soup, masarap promise tikman mo!”

“Hmm, sige nga, matikman ang ipinagmamalaki mong chicorn soup!”

Kumuha ng kutsara si Glenn at siya pa mismo ang nagsubo sa dalaga.

“In fairness, ang sarap higupin ah, very smooth sa bibig!” nakangiting puri ni Charlotte.

“Hay naku nakaka-out of place naman, iwan ko na nga kayo at check ko muna kung gising na ang tatay at kuya mo para sabay-sabay na tayong mag-almusal, para matikman na rin nila ang chicorn soup na smooth sa bibig!” ani Aling Clara na napapangiti habang lumalakad na palayo sa dalawa.

Matapos kumain ay naisipan ni Charlotte na isama si Glenn sa dati nilang hang-out ng kuya Charlie niya.

“Wow! Tree house?” bulalas ni Glenn habang nakatayo sila sa harapan ng bahay sa itaas ng puno. (Itutuloy)