Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-13 na labas

Napalunok si Charlotte. Dapat pa ba niyang pag-isipan ito kung ang nilalaman naman ng puso niya ay ang lalaking nasa harapan niya ngayon at dumudulog ng pag-ibig?

“Glenn… sorry…”

“Sorry?” labis ang pag-aalalang rumehistro sa mukha ng binata.

“Sorry kung hindi ko na patatagalin ang moment na’to, kasi, Oo na, sinasagot na kita!”
“Talaga?”

Nakangiting tumango ang dalaga. Tuwang-tuwang niyakap siya ni Glenn at saka sinuot sa daliri niya ang isang singsing.

“Mahal na mahal kita Charlotte. Patutunayan nating may sarili tayong tadhana at hindi isang reincarnation lang… at ang tadhana natin ay ang isa’t isa.”

“Mahal din kita Glenn… mahal na mahal…” pabulong ang sagot ni Charlotte nang muli silang magyakap.

Saka biglang naglabasan mula sa mga pinagkublihan ang buong staff ng restaurant. Naroon din ang bff ni Charlotte na si Wilma at bff ni Glenn na si Ivan.

“Kailangan ninyo ba talagang magtago?” nakatawang tanong ni Charlotte.”

“Oo naman bes, para masolo ninyo ang moment!” sagot naman ni Wilma.

“KISS! KISS!” biro ng mga staff ni Charlotte na pinagbigyan naman nila.

Isang halik na nag-sealed sa mga puso nilang umaasa sa bukas. Masuyo at damang-dama sa puso.

Sa kabila ng kapanatagan ng puso ay nanatili ang mga panaginip ni Charlotte tungkol sa kanila ni Glenn. At habang tumatagal ay padalas pa nang padalas ang pagsakit ng ulo niya sa pagbabalik sa isipan niya ng isang nakaraan na hindi kanya.

At lahat ng ito ay isinasalin niya sa sinusulat na kuwento para sa isang libro.

“Tulad ng mga karakter ko sa pocketbook na ginagawa ko, nina Israel at Mayumi, hawak-kamay nilang babalikan ang kahapon para angkinin ito at bigyan ng katuparan sa hinaharap… ganoon din kami ni Glenn… aangkinin namin ang tadhanang hindi nagkaroon ng kaganapan noon…” sa isip ni Charlotte habang nagta-type sa laptop niya.

Gabi. Magkausap sa cellphone sina Glenn at Charlotte.

“Isasama kita sa Laguna para makilala mo ang mom and dad ko.” si Glenn.

“Naunahan mo lang ako pero aayain din sana kita sa Batangas para naman makilala mo sina nanay at tatay saka ang nag-iisa kong kapatid, si Kuya Charlie.” Nakadapa si Charlotte sa kama habang nakikipag-usap.

“O sige, kung gusto mo sa Batangas muna tayo?”

“No, since ikaw ang unang nagsabi, ikaw na ang mauna, Laguna muna tayo!”

“Okay sige, so pa’no, goodnight na hon?”

“Goodnight honey…”

“Muah!”

“Tsup!”

Samantala.

On the way na si Alicia pabalik sa Pilipinas. Habang sakay ng eroplano ay laman ng isip niya ang dating nobyo. Si Glenn. Nabalitaan na rin niya ang tungkol sa pakikipagrelasyon nito kay Charlotte. At dahil doon kaya nagpasya siyang umuwi, Babawiin niya si Glenn.

Dahil na-realize niya na ito pa rin ang mahal niya at makakapagbigay sa kanya ng kaligayahang hindi niya natagpuan sa iba.Gagawin niya iyon hangga’t may oras pang nalalabi sa kanya…

Laguna, Belair. Huminto ang kotse ni Glenn sa harap ng bahay ng mga magulang. Bumaba siya at inalalayan si Charlotte sa pagbaba sa kotse.

“Ang laki pala ng bahay ng parents mo.” Nakangiting puna ng dalaga habang pumapasok sila loob.

“Actually maliit lang ito dati, lumaki lang kasi nabili nila ‘yung katabing lote, tapos pina-renovate.”

“Ah…”

Agad silang nakita ng mommy ni Glenn na si Mrs.Glenda Trinidad.

Mom! This is Charlotte, my girlfriend! I already told you about her, over the phone!” pakilala ni Glenn.

“And Charlotte this is my Mommy Glenda!”

“Hi Charlotte, sit down.”

“Hello po, nice to meet you po.” Ani Charlotte na nagmano pa bago naupo sa sofa.

Saglit na natigilan ang ina ni Glenn habang pinagmamasdan ang dalaga. Nakaramdam naman ng pagkailang si Charlotte.

“Charlotte, parang pamilyar sa akin ang mukha mo, hindi ko lang matandaan kung saan kita nakita!” (Itutuloy)