Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-12 na labas

“No, reincarnation siya ng ibang tao, isang lalaki na mula sa panahong hindi pa kami isinisilang.”

“Whew! Ang lalim naman, saang baul mo ba nahukay ‘yan?”

Hindi na sumagot si Charlotte. Ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa na nanatili ang mga ngiti sa labi.

Mula noon ay naging madalas pa ang pagkikita nina Glenn at Charlotte. Mas lumalim pa ang pagkakaibigang nasimulan nila. Pagkakaibigang naging tulay patungo sa pag-ibig.

Isang araw. Nagulat si Charlotte nang pagpasok niya sa restaurant ay nakasabit ang CLOSE sign nila.

“Ha?”

Kinuha niya ang sariling susi sa bag at isinuksok iyon sa butas ng seradura ng pinto.

Balak sana niyang kuwestyunin si Chef Drew na siyang laging nauuna para magbukas ng restaurant pero mas lalo niyang ikinagulat ang nadatnan sa loob pagbukas niya ng pinto.

“GLENN!”

Si Glenn na may hawak ng isang boquet ng fresh red roses. Standing sa tabi ng isang table na inayusan para sa isang romantic dinner. Wala sa paligid ang mga empleyado ng restaurant. At dahil nga sa close ang sign nito ay wala ring customer sa loob maliban kay Glenn.

Lumapit ang dalaga sa binata.

“Glenn, ano bang drama effect ‘to?”

“Hindi ito drama, this is a love story between you and me. Our love story”.

Natigilan si Charlotte. But deep inside ay alam na alam na niya ang ibig sabihin ni Glenn.

“Charlotte, I know na masyadong naging mabilis ang lahat para sa ating dalawa,nagsimula sa isang aksidente, nagkakilala, naging magkaibigan, in just a short span of time. But life is short, kaya gusto kong malaman agad, kung pwede ba kitang maging girlfriend?” (Itutuloy)