Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 562

Ika-10 na labas

“Alam ninyo, gusto ko sanang tawagin ang mga kaluluwa nila upang makausap pero hindi ko iyon magagawa…”

“Po? K-kaninong kaluluwa po ang tatawagin ninyo, at bakit hindi ninyo magagawa?”
“Dalawang kaluluwa, dalawang kaluluwa na pinagbuklod ng isang pag-ibig. Ang totoo matagal na silang nagbalik, subalit hindi nila matagpuan ang isa’t isa, kaya naman sa nangyaring pagkukrus ng inyong landas ay muli nilang nahanap ang pagmamahalang hindi natuldukan ng nakaraan. At wala kayong magagawa kundi kilalanin sila at sundin ang inyong tadhana, para matahimik na sila… at kayo rin…”

“A, mawalang galang na po Madam Liweng, medyo naguguluhan po kasi ako, sino po ba ang dalawang kaluluwa na’to na tinutukoy ninyo?” tanong ni Glenn.

Related Posts

“Hindi ko alam ang mga pangalan nila pero malinaw ang sinasabi ng aking baraha, isang babae at isang lalaki mula sa nakaraan… ang tawag dito REINCARNATION!” nanlalaki ang mga matang sabi ng matanda.

“REINCARNATION?” halos sabay na sabi naman ng dalawa.

“Oo, maaaring hindi ninyo ito paniwalaan pero totoo itong nagaganap sa maraming tao… at nagkataon, na kayong dalawa ay kabilang sa kanila.”

“Kung totoo po ‘yan, ano pong dapat naming gawin? Palagi po kasi siyang laman ng panaginip ko at ng isip ko maski hindi ako tulog, madalas nga pong sumakit ang ulo ko dahil dito at may mga bagay at pagkakataon na pamilyar sa’kin maski sigurado akong hindi pa ito nangyari sa akin sa tanang buhay ko.”

“Patunay lamang na ito ay kaso nga ng isang reincarnation… kayo ay karugtong ng kanilang nakaraan, kung babaguhin ninyo ang inyong tadhana o maghihiwalay kayo ng landas, maaari kayong mapahamak… subalit kung susundan ninyo ang mga pagkakataong itinakda, makakamit ninyo ang tunay at wagas na kaligayahan na dulot ng pag-ibig mula sa nakaraan…” (Itutuloy)