Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Unang Labas

Tumigil ang pag-ikot ng orasan at tila na-freeze din ang lahat ng mga tao nang biglang magsalpukan ang dalawang kotse sa isang crossing sa Buendia. Sakay ng isang kotse si Glenn Trinidad. 27 years old, isang call center manager. Habang sa isang kotse naman ay lulan si Charlotte Avellana, 25 years old isang restaurant owner at part time pocketbook writer.

Parehong nawalan ng malay ang dalawang biktima. Habang walang malay ay parehong bumangon ang mga kaluluwa nila at nagyakap. Nagyakap sa kabila ng katotohanan na ni hindi sila magkakilala man lang. Tila isang mahiwagang pagtatagpo sa pagitan ng dalawang tao na may magkaibang mundo. Mga kaluluwang panandaliang naligaw at natagpuan ang isa’t isa sa isang saglit na pagkakataong iyon .
Ospital.

Sa nakahimlay na diwa ni Charlotte, kitang-kita niya ang imahe ng isang lalaking nakatalikod. Marahan ang mga hakbang na nilapitan niya ito. Subalit habang papalapit siya nang papalapit ay papakapal naman nang papakapal ang usok sa pagitan nila, hanggang sa tuluyang maglaho sa paningin niya ang lalaki.

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Charlotte. Damang-dama niya ang sakit ng ulo na nakabenda pa. Nananakit din ang buong katawan niya at nahihirapan siyang gumalaw.

“C-Charlotte!” si Wilma. Ang long time bff ng dalaga since high school days.

Agad lumabas ng silid ng ospital si Wilma at tumawag ng nurse. Matapos matingnan ng doctor kahit paano ay nakaramdam ng katiyakan ang dalaga na ligtas na siya. Kasabay noon ang pagwaksi ng panaginip niya sa isip.

“Naku bes, kala ko talaga iiwan mo na kami! Praise the Lord talaga dahil hindi naging grabe ang pinsala nyo pareho!”

“Nyo?”

“Oo, e sino pa kundi yung nakabanggaan mo, actually nandiyan siya sa kabilang room, nagpapagaling na rin tulad mo, nauna nga lang siyang nagkamalay sa’yo!”

“G-gano’n ba…pero sino ba siya at ano ba talagang nangyari, parang naalog yata ang utak ko…”

Related Posts

“Bes, hindi mo makekeri ‘to, ‘yung pagbanggaan ng kotse nyo parang destiny! Ang gwapo niya at single according to his record! At alam mo ba kung anong pangalan?…GLENN!”

Natigilan si Charlotte. Naalala niya si Glenn. Ang ex boyfriend niyang namatay sa leukemia two years ago. Hindi niya maitago ang lungkot na rumehistro sa mukha.

“B-bes, sorry ha, kung napaalala ko siya sa’yo…e kasi naman bakit ba magkapangalan pa sila!”

“Buti pa nga sana namatay na lang din ako sa pagbangga ng kotse ko…para magkasama na kami…”

“Ano ka ba naman Charlotte, ang dami naming nagmamahal sa’yo na paluluhain mo kung natsugi ka, hindi ko naman intension na palungkutin ang aura mo, gusto ko lang na mapangiti ka kasi nag­krus ang landas nyo ng isang bagong Glenn, malay mo reincarnation siya ng ex dyowa mo diba?”

“Reincarnation, two years ago?”

“E okay, ipagpalagay na mali ako, pero at least may bagong magpapangiti sa’yo.”

“Bes, hindi ko kailangan ang isa pang Glenn sa buhay ko, at saka hindi pa nga kami nakakalabas ng ospital pareho kung anu-ano na ‘yang iniisip mo. Ni hindi pa nga kami nagkakausap o nagkita man lang!”

“A basta, iba talaga ang pakiramdam ko eh!”

Isang pilit na ngiti na lang ang itinugon ni Charlotte sa matalik na kaibigan.

Bago lumabas ng ospital ay naisipan ni Charlotte na silipin ang nakabanggaan niya sa room nito. Marahan niyang binuksan ang nakapinid na pinto. Mahimbing na natutulog ang binata.

Kahit nasa pintuan lang ay malinaw niyang nakita ang mukha nito. At tama si Wilma, maamo at gwapo ang mukha nito…saglit niya itong tinitigan. Sa pagtitig niya dito ay ipinagtataka niya kung bakit wala siyang naramdaman ni katiting na galit samantalang alam naman niya na kasalanan nito ang nangyaring aksidente sa pagitan nila dahil maingat siya sa pagmamaneho. (Itutuloy)