Una sa Balita

Yes to peace talks, no to Anti-Subversion Law — Go

0 197

MAS mabuti pa umanong muling buksan na lang ang usaping pangkapayaan sa halip na muling buhayin ang Anti-Subversion Law sa bansa, ayon kay Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.

“Hindi po ako pabor sa pagbuhay, sa pag-revive ng Anti-Subversion Law dahil pabor po ako sa resumption of peace talks with the communist party,” pahayag ni Go.

“Kung bubuhayin mo ‘yan, masisira na naman ang usapang pangkapayapaan, dahil alam naman natin na may mga party-list, whether you like it or not, affiliated talaga sa (communist party), huhulihin sila kung maisabatas ‘yan. Sa ngayon, I’m against reviving the Anti-Subversion Law,” dagdag nito.

Ikinabahala rin ng senador ang patuloy na pag-impluwensiya ng mga makakaliwang grupo sa kabataang estudyante sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa bansa.

“Nabi-brainwash ‘yung mga bata sa eskuwelahan pa lang at nagkakaroon ng galit sa gobyerno. ‘Yun ang dapat tingnan nang mabuti,” anang senador.

Pinakikilos naman ni Go ang Department of Education (DepEd) at ang Commission on Higher Education (CHED) para matulungan ang kabataan na makaiwas sa recruitment ng makakaliwang grupo.

Sinabi ni Go na dapat tumulong ang DepEd at CHED na huwag mabuhay ang galit ng kabataan sa gobyerno, taliwas sa ginagawang pag-indoktrina ng mga militante.

Muling kinurmpirma ni Go na maraming kabataan at mga militante na mga nagra-rally sa Davao City noon ang nakasalamuha nila sa mga NPA camp tuwing umaakyat sila noon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aminado naman si Go na karapatan ng bawat estudyante na pumili ng grupong sasalihan kaya hindi puwedeng basta-basta papasukin sa mga campus ang mga pulis para mapigilan ang recruitment. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy