Una sa Balita

Yes or No

By
0 494
 
 
 
 
Sa kasaysayan ng Pilipinas, dala-dala ng katimugan ba­hagi ng bansa ang masamang pagkakakilanlan bilang magulo. Dala ito ng siglong pakikipaglaban ng mga kapatid nating Moro para tapusin ang ayon sa kanila’y siglong pang-aabuso at pang-aapi, gayundin para sa katarungan at pagkilala bilang isang lehitimong sektor ng lipunan.

 

 Sa napakadilim na kasaysayang nagdaan, isang matinding liwanag ang nakatanglaw ngayon sa Min­danao.

 

Sa araw na ito, nakasalang sa plebesito ang Bangsamoro Organic Law (BOL), kung saan pinagpala ako na maging isa sa mga author. Produkto ito ng pag-uusap, pagtutulungan, at pagsisikap ng ating kababayan na nais nang magkaroon ng kapayapaan at kaayusan.

 

Mahalaga ang araw na ito hindi lamang para sa Minda­nao kundi para sa buong bansa. Pagkakataon ito para sa pagkakaisa, pagsisikap, at pagsulong at para sa tuluyang pag-iwan sa mga bagahe ng nakaraan, bitbit ang mga aral nito para sa mas magandang kinabukasan.

 

Mayroong mahigit sa 20,000 mga pulis at militar na naka-deploy ngayon sa mga nasabing lugar upang siguruhin na walang hahadlang sa mga residente na makiisa sa makasayang gawaing ito at para matiyak ang kaayusan hanggang sa matapos ang botohan.

 

Sa Pebrero 6, itutuloy naman ang plebesito sa Lanao del Norte maliban sa Iligan City at anim na bayan sa Cotabato na maaari ring nais mabahagi ng itatatag ng bagong Muslim region.

 

Anuman ang boto, Yes or No, kailangan malinaw dapat na ang gabay sa pagpili ay ay kapwa nating hangarin ng kapayapaan. Yes to peace dapat tayong lahat.
 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy