Una sa Balita

Yeng pokus sa Gilas, sunod na plano ‘di alam

Bahala na si Batman!

By
0 543

BUONG-PUSO at isip, ibibigay ni coach Yeng Guiao sa Gilas Pilipinas sa fourth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Pagkatapos nito, bahala na si Batman!

Ayon sa multi-titled PBA coach, hindi niya alam kung siya na talaga ang hahawak ng Gilas Pilipinas pagkatapos ng Setyembre 13 at 17 game nila kontra Iran at Qatar sa Setyembre 13 sa Tehran, at Setyembre 17 sa Big Dome.

Kung magpapatuloy siya o hindi sa Gilas, ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) aniya ang dapat mag-anunsiyo nito.

“Nothing was talked about regarding that (coaching), but I think if ever there’s going to be any announcement regarding that, it cannot come from me so I cannot really answer that question categorically,” sagot ni Guiao sa mga nagtatanong na mediamen matapos ang unang praktis ng Gilas Pool, Lunes nang gabi sa Meralco Gym.

“If SBP wants to make that announcement I think they will in time. All I can say is, for sure, I will be handling this window. What comes after the 17th, after the Qatar game, it’s SBP that will make that announcement.”

Naigiya ni Guaio sa fifth place, pinakamaganda sa nagdaang 16 na taon, ang Team Pilipinas sa katitikop lang na 2018 Asiad sa Jakarta, Indonesia kahit limitado ang kanilang preparasyon at kulang sa materyales.

Sa fourth window ng FIBA Asia Qualifiers­, wala ring dalawang linggo ang preparasyon ni Guiao, na haharapin ang 18th Asian Games runnerup Iran, na natalo sa eventual champion China.

Kumpleto ang 16-man Gilas pool sa ensayo nitong Lunes kabilang sina Scottie Thompson, Greg Slaughter, Alex Cabag­not, Marcio Lassiter, Ian Sanggalang, Gabe Norwood, Asi Taulava, Poy Erram, Paul Lee, Raymond Almazan, Beau Belga, Stanley Pringle at Christian Standhardinger, ma­ging ang mga sinuspende ng FIBA dahil sa Gilas-Boommers melee noong Hulyo 2 sa Bocaue, Bulacan na sina Japeth Aguilar, Matthew Wright at Allein Maliksi.