Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yeng naluha sa ‘Kumapit’

0 18

Tungkol sa pagtitiwala sa Diyos ang tema ng bagong single ni Yeng Constantino, ang ‘Kumapit’ na mapapakinggan sa June 11.

Isang piano ballad ang kanta kung saan tampok ang emosyonal na pag-awit ng Kapamilya singer at ang lyrics na nagpapaalalang kahit hindi man nakikita ng mga tao ang Diyos ay palagi Siyang handa na magbigay ng pagmamahal at pagtanggap sa lahat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sana habang pinapakinggan nyo ‘to mabigyan kayo nito ng pag-asa, lakas ng loob and kalakasan. Laging nandyan ang Diyos para sa’tin! Kumapit lang tayo sa Kanya,” sabi ni Yeng.

Kolaborasyon ng Star Music at Reverb Worship ng CBN Asia ang “Kumapit” na isinulat at kinompose ni Yeng, in-arrange ni Tommy Katigbak, at ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Ito ang unang solo music release ni Yeng ngayong 2021 matapos niyang i-release ang “Dasal” noong 2020. Nag-record din siya ng duet kasama si Piolo Pascual noong isang taon para sa single nitong “Iiyak Sa Ulan.” (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.