Una sa Balita

Yeng bumitaw sa Gilas

0 278

Nag-resign na si Yeng Guiao bilang head coach ng Gilas Pilipinas dalawang araw matapos umuwi ang national team mula sa makalaglag-balikat na kampanya sa FIBA World Cup 2019 sa China.

Walang naipanalo sa limang laro ang Filipinos.

“As regards the past performance of Gilas Pilipinas Men’s Basketball Team in the recent World Cup, I am as disappointed as the rest of the country,” panimula ng NLEX coach.

Mahaba-haba ang statement ni Guiao, pinasalamatan ang mga taong nagtiwala sa kanya para humawak sa national team mula sa 2018 Asian Games, sa mga nagsakripisyo, sa staff at coaching staff ng Gilas.

Binanggit niya sina PBA commissioner Willie Marcial, Board chairman Ricky Vargas, Ramon S. Ang, Alfrancis Chua, Raymun Yu at Terry Que, Rod Franco at management ng NLEX.

Pinasalamatan rin niya sina Manny V. Pangilinan at Al Panlilio ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, at sa fans at kaibigan na sumuporta sa kampanya ng Gilas.

Muling binanggit ni Guiao na highlight ng kanyang career ang maging coach ng National team sa World Cup.

“Even if I had known from the beginning that this would be the end result of my decision to accept this coaching job, I would have no second thoughts in making the same decision,” dagdag ni Guiao.

Pagkatapos ng rambulan ng Gilas at Australia sa Asian Qualifying window

noong July 2018, kasama ng 10 players na nasuspinde si coach Chot Reyes.

Nag-take over si Guiao, bumuo ng panibagong team at nag-fifth place ang Gilas sa Asiad sa Indonesia – best finish ng Pilipinas sa nakalipas na 16 na taon – sa tulong ni Fil-Am Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers.

Tinapos niya ang statement sa katagang “Para sa bayan.” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy