Una sa Balita

Yeng bilib kay Kiefer

By
0 3,568

SALUDO si coach Yeng Guiao kay Kiefer Ravena matapos isalba ng huli ang game-winning shot ng NLEX kontra Meralco 87-85 sa 2017-18 PBA Philippine Cup Biyernes ng gabi sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Sa Road Warriors ang bola sa final 15 seconds, halos inubos muna ni Ravena ang oras at nang katiting na 0.9 second na lang, isinalaksak ang panapos tira para ikalas ang NLEX mula sa fourth at last deadlock na 85.

“Kiefer just made the big shots, like somebody who’s a ten-year veteran,” puri ni Guiao sa bagito niyang basketbolista.

Bago iyon, nagpakawala muna ng tres si Ravena matapos ang timeout at isinampa ang Warriors sa 83-82, 43 seconds pa.

Naibuhol pa ng Bolts ang iskor sa 3-point play ni Chris Newsome bago pinakawalan ng “The Phenom” ang winning shot.

“Meralco practically was fighting for its life, that’s why they gave us a hard fight. I thought we had a really bad start, just like the start against Ginebra. It’s a good thing we recovered, but I don’t like winning this way. It’s too pressure-packed, too tension-filled. It’s good for the fans, but it’s bad for the coaches,” litanya ni Guiao.

Naiwan ng hanggang 26-8 ang NLEX pero naagaw ang lead 38-37 sa break at naging interesante ang laro.