Una sa Balita

Yeng, Angeline tinakasan ang mga kaibigan dahil kay Bruno Mars

By
0 1,548

Favorite ni Angeline Quinto si Bruno Mars, pero hindi na siya nakigulo sa maraming nanood ng Manila concert nito noong Thursday at Friday dahil last year pala ay nanood na siya sa Edmonton, Canada.

Eh, nagkaroon kasi ng ASAP noong July 29, 2017 sa Toronto, kaya after no’n, ‘tumakas’ sila pa-Edmonton para manood ng concert ni Bruno noong July 31, 2017.

Kasamang nanood ni Angeline sa concert na ‘yon si Yeng Constantino at sobra raw silang nag-enjoy.

Anyway, noong first day naman ng concert dito ni Bruno, nanood si Ogie Alcasid at sobrang saya siya dahil napakaganda ng Manila concert ng international singer.

***

Sarah Lahbati super tanggi sa trabaho

May mga tumatawag na sa Viva Artists Agency para mag-inquire kung available na ba uli si Sarah Lahbati para magtrabaho after makapanganak sa second baby boy nila ng fiancé niyang si Richard Gutierrez, kay Baby Kai.

Pero sabi ni Sarah, wala pang two months si Baby Kai, kaya hindi pa siya handang magtrabaho uli. Ang alam ko, plano muna nila ni Richard na magbakasyon abroad at saka na siya magtatrabaho uli.

Pero tatapusin muna ni Richard ang dalawang shows niya sa Canada for TFC (The Filipino Channel) ngayong June 9 (Winnipeg) at June 10 (Vancouver) bago sila magbakasyon ni Sarah.

Hindi nga lang ako sure kung saan nila balak magpunta at kung ‘we time’ ba for them ‘yon o isasama nila ang mga anak.

Ang alam ko lang, ‘yon ‘yung naudlot na bakasyon sana nila last year dahil biglang nag-La Luna Sangre nga si Richard at nagbuntis din si Sarah, kaya ipinagpaliban muna nila.

Anyway, going back to Richard’s TFC shows, ‘yung sa Canada ay first two lang sa ilang naka-line-up sa kanya dahil gusto rin naman niyang mapagbigyan ang request ng Kapamilya fans abroad na tuwang-tuwa sa pagiging Kapamilya na nga niya!

***

Jackie Rice binantaang sasabunutan dahil sa kalandian

Parehong married na ang Hindi Ko Ka­yang Iwan Ka stars na sina Yasmien Kurdi at Mike Tan, pero in fairness, tanggap na tanggap ng viewers ang team-up nila sa nasabing afternoon series.

Patunay ‘yon ng consistent high ratings na nakukuha ng kanilang GMA 7 series, huh!

Para nga sa mga fan ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, kesehodang pareho silang TAKEN, basta sa fave series nila, sina Yasmien at Mike ang mag-asawa, ‘noh?

Actually, marami nga sa avid viewers ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ang type sabunutan si Jackie Rice dahil sa panlalandi nito sa show kay Mike. Nakakatwa nga ang mga fan kung paanong i-hate nila si Jackie, ‘noh?!

Kung noong panahon nga ng Ika-6 Na Utos nina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon ay si Ryza Cenon ang kinamumuhian ng mga fan, ngayon ay si Jackie na nga!

Naku, natatakot na nga raw si Jackie sa galit sa kanya ng mga fan nina Yasmien at Mike.

Anyway, paalala ng mga taga-Hindi Ko Kayang Iwan Ka, magagaling lang daw na artista sina Yasmien, Mike at Jackie kaya believable ang mga eksena nila sa nasabing afternoon series, pero huwag daw kalilimutang umaarte lang ang mga ito at hindi naman mag-asawa sa totoong buhay sina Yasmien at Mike at hindi rin naman daw talaga nilalandi ni Jackie ang aktor, huh!