Una sa Balita

Yeng, Alex magkakatagpasan

By
0 5,188

Mga laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – NLEX vs Alaska

6:45 p.m. – Ginebra vs Talk ‘N Text

KAGAGALING lamang sa dalawang sunod na come from behind na panalo ng NLEX kaya muling nabuhayan sa kampanya matapos ang apat na sunod-sunod na talo sa 43rd PBA 2018 Philippine Cup elims.

Muli ngayong alas-4:30 ng hapon sila sasabak sa isa pang matinding labanan kontra Alaska Milk na papakay ng twice to beat advantage sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Susubukan din ng Aces na dumeretso sa pampitong panalo sa siyam na laro tapos mag-umpisa ng 0-2.

“Pahirap nang pahirap ‘yung laro. We have another game on Sunday,” saad ni NLEX coach Yeng Guiao matapos ang kanilang dikit na panalo kontra Meralco Biyernes ng gabi, 87-85.

“After a hard game like this it’s really hard to recover, to prepare, but that’s the way it is,” hirit ni Kiefer Ravena. “Another hard game against a team that’s really playing well in Alaska.”

Halos parehas ang kanilang nilaro noon kontra Ginebra 81-78 na galing din sa come from behind win, hinabol ang 18 points na lamang ng Gins at kontra Meralco na nilamangan din sila ng 14 points bago nakabuwelo na hindi gusto ni Guiao.

“Good thing we recovered, but I don’t like winning this way,” ani Guiao. “Too pressure-packed, too tension-filled. It’s good for the fans, but it’s bad for the coaches.”