Una sa Balita

Yen pinalakpakan sa pagtataray kay Yam

By
0 831

abante-paistaran-dondon-serminoMatagal hinintay ng mga fan ang pagkakataon na maging mas memorable ang karakter ni Yen Santos sa “Halik” at binigay na nga ito ng show noong Biyernes dahil nagharap na sina Jacky (Yen) at Jade (Yam Concepcion).

Pero hindi lang basta-basta ang kumprontasyon dahil binawi ni Jacky ang kotse ni Ace mula kay Jade, na proud na proud niya pang pinagyayabang sa mga kaibigan niya. Ang saya panooring mapahiya ni Jade sa harap ng maraming tao bilang ganti sa lahat ng kaharutan niya.

Pero hindi pa natapos doon dahil nag-abot pa si Jacky ng P100 kay Jade para may pang-taxi ito. Pak na pak talaga! I’m sure mara­ming may gustong gumawa noon sa totoong buhay sa mga kabit.

Nailabas nga raw lahat ng panggigigil ng mga fan sa karakter ni Yam sa ginawang pamamahiya sa kanya ni Yen. Kahit ang netizens, gigil na gigil din sa mga eksena at ‘di mapigilang hampasin ang TV screens nila dahil sa galit kina Jade at Ace.

Isa lang ‘yan sa mga hakbang ni Jacky para ipamukha kay Jade kung sino ba talaga ang tunay na may karapatang magtaray at kung saan lang ba dapat lumugar ang mga kabit na tulad niya.

Ito na ang umpisa ng mas mainit na tapatan dahil all-out na si Jacky at Lino para gantihan ang mga manloloko nilang asawa. Si Lino, mas magi­ging matapang at si Jacky naman mas magiging mapangahas. Exciting!

Itong pagiging relatable ng “Halik” siguro ang dahilan kung bakit ito ang pinakapinapanood na programa sa iWant. Umabot na ito sa mahigit tatlong milyong weekly views. Gustong-gusto talaga ito ng mga Pinoy at buti na lang ay available ito agad sa iWant matapos itong ipalabas sa telebisyon.