Una sa Balita

Yee, Marinero sisisirin Ang finals berth vs TIP

0 277

Mga laro ngayon: (Paco Arena, Manila)
1:30 p.m. – Marinerong Pilipino vs TIP
3:30 p.m. – BRT Sumisip- St. vs CEU

Ito na ang pagkakataon na walisin ng Marinerong Pilipino ang TIP mamayang ala-1:30 sa best-of-three semifinals para makaarangkada sa finals ng 9th PBA D-League Foundation Cup 2019 finals sa Paco Arena sa Maynila.

Nakaraang Huwebes tinalo ng Skippers ang Engineers, 98-80 upang kunin ang 1-0 series lead mula sa pangunguna nina Mark Yee, Jhonard Clarito at Jordan Rios para sagipin lumapit sa unang final stint.

“Masaya dahil nakuha namin yung Game One pero kailangan pa rin trabahuhin ang Game Two dahil ‘di pa tapos ang series,” ani Skippers coach Yong Garcia. “Kailangan pa ng corrections dahil noong third quarter, medyo nag-relax kaya nakadikit sila.”

Handa namang tapatan ni coach Potit De Vera ang hamong tatahakin para pahabain ang serye sa do-or-die game.

“We’re gonna compete very hard against them. Kung hindi sweep, 2-1. Kung hindi, wala kaming magagawa. But we’re here to compete,” aniya. (Aivan Denzel Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy