Una sa Balita

Yee bumida sa Cocolife Tiger

0 198

INILISTA ni Davao Occidental Cocolife Tiger Mark Yee ang ika-29 double-double performance sa kinubrang 19 points at 10 rebounds para manguna sa 88-76 panalo kontra Bicol Volcanoes sa MPBL Lakan Cup sa Angeles University Foundation Huwebes ng gabi.

Katuwang ni Yee sina Bonbon Custodio, Billy Robles, Chester Saldua at Marco Balagtas upang patahimikin ang Volcanoes at itala ang 12-2 panalo para sa Davao ni Dumper Partylist Rep. Claudine Bautista na ayudante sina Cocolife Pres. Jose Marti Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franze Joie Arsque.

“Sipag at tiyaga ang susi ng aming mga panalo, of course ‘yung aming depensa,” wika ng Best Player of the Game na si Yee.

Ikinagalak naman ni Tigers deputy manager Ray Alao ang maiinit na balik ng team sa winning tradition matapos ang dalawang sunod na lone-sided victiories kontra GenSan Warriors at ang katatapos na laban kontra Bicolanos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy