Una sa Balita

Yayo bet manakit ng bidang artista

0 243

Sa isang espesyal na kaganapan ng Globe Telecommunications, nabigyan ng pagkakataon ang Abante na makapanayam ang aktres na si Yayo Aguila.

Kuwento ng aktres, sobrang okay siya sa kanyang buhay ngayon lalo’t katatapos lang ng kanyang kaarawan at nabiyayaan din siya ng maraming proyekto at siyempre kasama niya ang kanyang pamilya at kaibigan.

Tanging hiling niya ay good health para sa kanyang mga anak at sarili at magkaroon ng marami pang magandang project.

Ayon pa sa aktres, bukod sa mga karakter na nagampanan niya na noon, may mga role pa rin siyang inaasam gaya ng mapabilang sa action movie o serye dahil mahilig siya sa mga pelikulang ganito ang tema.

Gusto rin daw ni Yayo na masubukang gumanap bilang kontrabida sa mga palabas dahil kung mapapansin nga ay karaniwan ng kanyang mga nakaraang role ay mommy role.

Anyway, going back naman sa pagiging abala ni Yayo sa kanyang proyekto, kabilang siya sa cast ng pelikulang “Mia” kung saan kasama niya sina Coleen Garcia, Edgar Allan Guzman at marami pang iba.

Abala rin siya sa pelikula para sa MMFF na “Miracle in Cell #7”. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy