Una sa Balita

Yassi sobrang tigang sa lalaki

By
0 3,354

Paandar rin ang regalo ni Yassi Pressman sa kanyang sarili matapos nitong mag-celebrate ng kanyang ika-23rd birthday nitong May 11. Mula sa kanyang halos araw-araw na pagpupu­yat sa long-running teleserye na Ang Probinsyano at sa iba’t iba pang raket, ay nakabili siya ng brand new van.

Very proud si Yassi dahil may bago na siyang magagamit para sa kanyang pagti-taping at sa mga rampa ng kaniyang family na hindi na sila gaanong mahihirapan.

Umaabot nang halos P3 million ang van na ito, pero, bongga nga raw na sa kalahating price lang niya ito nakuha.

Work-to-death din ang Viva contract star kasi marami pa nga raw sa kanyang buc­ket lists ang gusto pa niyang ma-achieve although, pakonti-konti ay nakukuha na niya ito.

Kaya, kahit tigang ang kanyang puso, oks lang sa kanya dahil as always, darating din naman ang perfect time para sa kanyang love life.

Korek! 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy