Una sa Balita

Yassi ‘sinaktan’ ng ex-dyowa

0 689

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloySuper explain si Yassi Pressman sa presscon ng ‘hugot movie’ niya (kasama sina Louise Delos Reyes, Sam Concepcion, Marco Gumabao at Shy Carlos), ang Para sa Broken Hearted, tungkol sa pagdadamot niya sa kanyang lovelife.

Obserbasyon namin, hindi na siya tulad noon na bubbly sa pagsagot tungkol sa kanyang personal life. Nu’ng nasa GMA-7 pa ang aktres, open siyang pag-usapan ang kanyang lovelife na parang balewala lang siya.

Pero mula nu’ng mabigyan siya ng magandang exposure sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ bilang leading lady ni Coco Martin, at nagkaroon siya ng mga pelikulang bida siya, naging matipid at parang ilang na ilang ang aktres na mag-comment tungkol dito.

Ayon kay Yassi, mula raw nu’ng pumasok siya sa showbiz ay naging bukas naman siya sa halos lahat ng kaganapan sa kanya, lalo na sa social media. At ngayon daw ay mas gusto talaga niyang magkaroon ng privacy.

Nang matanong muli namin si Yassi kung may boyfriend siya ngayon, mabilis naman siyang sumagot na ‘wala’. Hindi na pinangalanan ni Yassi pero na-in love raw siya recently.

Nang maghiwalay sila nito ay iniwasan nang husto ng aktres na makita ang mga bagay na nagpapaalala sa kanyang ex. Madali raw mag-flashback sa kanya ang mga memory nila together ng ex-dyowa niya, kaya hangga’t maaari ay ayaw niyang makita ang mga bagay na ito, dahil sumasakit pa rin ang kanyang puso.

At kahit ang music na paborito ng ex-dyowa niya, lalo na ang pabango nito ay ayaw na niyang maamoy.

 

Rocco nalunod sa mensahe ni Melissa

Nawindang nang todo si Rocco Nacino nu’ng kabugin ng kasintahan niyang si Melissa Gohing ang mensahe niya sa unang taong anibersaryo nila bilang mag-dyowa, na mababasa sa Instagram.

Masisilip sa IG wall ni Melissa ang compilation ng lahat ng mga video na kuha sa kanilang mga bakasyon at happy moments with Kapuso actor. At isang isang mahabang message caption ang sinulat ni Melissa na siyang dahilan kung bakit naloka at halos malunod sa kasiyahan si Rocco, kaya nasabi nitong ‘tinalbugan’ ng kasintahan niya ang anniversary message na pinoste nito sa kanyang IG wall.

“It took God some time to prepare this love. It took God some time to make sure we we’re ready for this love. You match my energy. You match my weirdness. You match my goals. You match my heart. God knew what he was doing he brought you into my life.

“I thank God for every single day. We have our ups and downs, but the way we are able to get past or face whatever problem we are going through together with God by our side, amazes me.

“I love you Enrico Raphael Q. Nacino. Happy anniversary Mi Amor, @nacinorocco.

“I miss you so much! I can’t wait to be home with you & @corgivalentineandarrow (pet dog nila ng aktor. #GohingPlaceWithNacino,” sey ni Melissa.

“Talong talo ako sa anniversary message post ko ah! Pinaghandaan mo nang todo. Hahaha I love you! Beautiful video! Sneaky ninja ka talaga!” sabi naman ni Rocco.