Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yassi naisalba ni Coco sa kahirapan

0 64

Excited na ang mga fan ni Yassi Pressman sa pangako nitong ipapakita niya sa mga fan ang kanyang bahay sa ilalabas niyang vlog.

Sa TikTok dance ni Yassi na mapapanood sa Instagram, makikitang tapos na ang facade ng bahay ng aktres. Nakasuot ng construction jump suit si Yassi.

“YouTube house tour soon?!” sabi ni Yassi.

Hindi naging hadlang ang pandemya sa pagpapagawa ng bahay ni Yassi na nasimulan last year. Hindi naapektuhan, naghirap, o nagutom si Yassi dahil sa ‘Ang Probinsyano’ ni Coco Martin.

Nakaipon ang aktres ng datung na ginamit sa pagpapagawa ng bahay.

Kaye Abad ‘ininsulto’ ni Jason

Lalake uli ang susunod na anak nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo.

Makikita sa Instagram video ang kasiyahan sa mag-asawa at mga taong nakapaligid sa kanila.

Binati si Kaye nina Chito Miranda, Angelica Panganiban, Nikki Valdez, Rodjun Cruz, Isabel Oli, Mariel Padilla.

Pero, natatangi ang comment ni Jason dahil tinawag niyang ‘menopause baby’ ang ipinagbubuntis ni Kaye.

“Congraaaaaatsss!!! Menopause baby,” sabi ni Jason.

Eh, 38-years old pa lang si Kaye, at kahit biro ‘yon ay hindi maganda sa paningin ng mga nakabasa.

Burado na ang comment at pinalitan ito ng “blessed” pero marami na ang nakapag-screenshot noon.

Robin pinuri ang mga frontliner na Bisaya

Magkasamang nagbunyi para sa kanilang mga kababayang frontliner sina Robin Padilla at Karla Estrada, na nakatakdang dumating sa NCR para tulungan ang mga medical frontliner sa ilang mga ospital.

Sa posting ni Robin sa Instagram na nagbabalitang 66 na mga doctor, nurse, medical technology ang darating sa NCR mula sa Visayas upang tulungan ang mga kapwa frontliner.

Ang mga ito ay ikakalat sa NKTI, Jose Reyes Memorial Medical Center, Lung Center, Rizal Medical Center at Tondo Medical Center sa loob ng tatlong buwan.

Pinuri at pinasalamatan ni Robin ang mga nagboluntaryong medical frontliner dahil sa malasakit ng mga ito.

Nag-comment si Karla sa post na ito ni Robin at ipinagmalaki ang mga kapwa niya bisaya sa kabayanihan ng mga ito.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.