Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yassi mukhang buntis

0 108

Dumaan ngayon sa butas ng karayom at matinding kirot ng katawan si Yassi Pressman para sa kanyang balik alindog program.

Pinakita nga ni Yassi ang mga larawan, video niya sa Instagram, na kung saan ay tumaba, lumaki ang tiyan niya, at mukha siyang buntis, o nanay.

Anyway, aminado si Yassi na nagpabaya siya ng katawan, at kumain nang husto, kaya tumaba.

Base sa isa sa mga larawan, fit, sexy pa ang pigura ni Yassi noong September 2021. Nagsimula lang siyang tumaba noong December. Kaya ngayong January ay inumpisahan na niya ang pagpapayat.

Pinakita nga niya sa isang photo na hindi niya maisara ang mga maong jeans niya dahil sa katabaan.

Ang purpose ni Yassi ng post niyang `yon ay para ipaalala sa mga babae, kabataan, na hindi dapat maging malupit sa sarili, na hindi lahat ng nakikita sa social media ay dapat perfect, dahil wala nga raw ganun.

Gawin ang pagpapapayat kapag handa na ang kalooban mo o katawan mo.

Catriona ‘pandemic teacher’

Pandemic teacher ang dapat itawag kay Catriona Gray, dahil sa ikalawang pagkakataon ay binuksan na uli niya ang kanyang online class.

Nakabalandra sa Instagram ni Catriona ang pagi-imbita sa mga netizen na mag-enroll sa “Catriona Gray Academy” kung saan hindi lang tutoring sa pagiging beauty queen ang tinuturo kundi marami pang iba.

Oh, di ba? Ratsada uli si Catriona ngayong malala ang pagtaas ng Covid-19 sa bansa at limitado ang galaw ng maraming Pinoy.

Ayon kay Catriona noong 2021 ay 50 bansa ang nakasama niya online.

At sa Biyernes ng hapon ay haharap siya sa mga bagong estudyante.

JaDine balikan asam ng mga fan

Nabuhayan ang mga fan sa pinost na photo ni Nadine Lustre, na kung saan ay kasama niya si James Reid. Feeling ng mga fan, may pag-asang magkabalikan ngayong 2022 ang JaDine.

Binahagi nina Nadine, James sa kani-kanilang Instagram ang larawan ng pagsasama nila na may caption na “Bye 2021 Music Festival”.

Late post na ito nina James, Nadine dahil nangyari ‘yon noong New Year’s countdown for 2022.

Kahit related sa work ang larawan na magkasama ang dalawa, bigla ngang umasa muli ang mga fan na magkabalikan sila.

“Last gig of 2021 @carelessph representing at the #BYE2021 Music Festival,” sabi ni James.

Leave A Reply

Your email address will not be published.