Una sa Balita

Yassi, Issa puno ng dalamhati sa V-Day

0 460

Kung ang karamihan ay nabalot ng kilig at ngiti sa Araw ng mga Puso, naging emosyonal naman para sa magka­patid na Yassi at Issa Pressman ang pagdaraos ng Va­lentine’s Day dahil iyon din kasi ang huling araw ng lamay ng kanilang yuma­ong ama na si ­Ronnie Pressman.

Ibinahagi ni Issa sa kanyang Instagram ang konting pasilip sa naganap na huling lamay ng kanilang ama. Makikita sa unang video na in-upload ng model na nagdadalamhati man sila, pilit pa ring ngumi­ngiti para ipakita ang katapangan at ‘yon nga rin daw kasi ang turo sa kanila ng ama, ang maging malakas.

Tinugtog pa ang “we are family”, bilang pag-alala sa masasayang panahon kasama ang kanilang ama. Kitang-kita rin sa iba pang litrato nilang magkapatid na talagang namumugto ang kanilang mga mata sa kaiiyak.

Maraming fan naman ang dumamay sa kanilang mga idolo at nagpaabot ng kanilang simpatya. Bumuhos din ang mga hug na comment sa post ni Issa mula sa kanilang mga kaibi­gan sa showbiz industry.

“Stay strong, beautiful ladies,” comment ng isang fan.

“Amen, amen!!! Hugs!!! (heart emoji),” komento naman ni Iza Calzado. ­(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More