Una sa Balita

Yassi alagang-alaga ang ‘ahas’ ni Coco

0 448

Pinaalalahanan si Yassi ­Pressman ng kanyang mga supporter sa ­kaligtasan nito nang mag-post ito ng isang maliit na sawa, ahas na naka­lublob sa lababo.

Ang naturang baby yellow python na isang “ball snake” kung tawagin ay ­alaga ng leading lady ni Coco Martin sa “Ang Probinsyano”. Ito nga rin daw ang ahas na regalo ni Coco kay Yassi noon.

Sa caption ng video, sinabi ni Yassi na kailangan ding alagaan na gaya ng ibang pet ang mga ahas.

Ilan sa mga follo­wer nito ang nagba­ba­la kay Yassi na mag-ingat ito ­dahil “wild” pa rin ang mga ahas kahit ito’y ­alagaan, at posibleng maglagay sa kanya sa ­kapahamakan.

Nagpasalamat si Yassi sa mga nagmamalasakit sa kanya pero nana­ig pa rin ang ­paniniwala nitong hindi mananakit ang kanyang alaga.

Ang klase ng alaga ­niyang ahas ay iba sa mga naiisip ng kanyang mga fans na “wild” at nanga­ngagat. Hindi rin ito luma­laki gaya ng ibang ahas at ang characte­ristic nito ay harmless sa human­ ­­­being.

Paolo gustong pakasal sa kapwa lalaki

Diretsahang sinasabi na ni Paolo Ballesteros na hindi niya nakikita ang sarili na ang makakatuluyan sa huli ay “babae”.

Sa panayam namin sa “Eat Bulaga” host sa presscon ng lalabas nilang movie nina Christian Bables at Martin del Rosario, ang “Panti Sisters”, sinabi niyang nangangarap din siyang magkaroon ng lifetime partner, pero isang ­lalaki.

Bukas din si Paolo sa ideyang magpakasal sa kapwa lalaki. Iniidolo nga niya bilang married showbiz couple sina ­Direk Jun Lana at Perci Intalan na ilang taon na ngang kasal.

Sa tanong kung anong qualities ng isang lalaki ang gusto niyang maging dyowa, ­sumagot ito ng “versa”. Sa gay community, ang ibig sabihin ng versa ay may kakayahang maging “top” at “bottom” sa sex.

Tumawa nang malakas si Paolo matapos niyang sagutin ang tungkol dito.
Well, hindi na nga nagpapatumpik-tumpik pang aminin ni Paolo ang kanyang gender. Sa halip na “gay” ang isinagot niya sa tanong kung ano ba talaga siya, pabiro itong sumagot na “I’m a lady”.

Noong panahong itinatanggi raw niya ang kanyang tunay na pagkatao, “nene” pa lang raw siya noon.

Dennis inggit sa malaking ‘nota’ ni Janno

Tila totoo ang ­espekulasyon na isa si Janno Gibbs sa mga nata­tanging mga artista na “gifted” ­pagdating sa ­materyales. Ito ang naging tuksuhan ng magkakaibigang sina Dennis Padilla at Andrew E sa ­kakatapos lang na ­presscon para sa lalabas nilang reunion movie, ang “Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo”.

Matapos magpasa­lamat nina Andrew at Dennis kay Janno sa ideya nitong pagsamahin sila sa isang movie project ng Viva, biniro ng dalawa ang huli sa katangian nito.

Si Dennis ang promotor sa pambu-bully kay Janno at sinabing sa kanilang tatlo, si Janno ang “malaki”.

Sey pa ng tatay ni Julia Barretto, “­nanliliit” daw sila kay ­Janno na isang “nanla­lakihan” sa kanila, na ang ibig sabihin nito ay “malaki”.
‘Pag pinagsama raw ang sa kanila ni ­Andrew at ­Dennis, wala pa rin daw ­panama sa size ni Janno. Noon pa usap-usapan ang malaking “nota” ni Janno, na laging ngiti lang ang isinasagot ng aktor.(Rey Pumaloy )

.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy