Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yasser nilampaso sina Derrick, David, Ruru

0 166

May bagong makakalaban na sa pagpapa-sexy at pagiging pantasya ng mga beki sina Derrick Monasterio, David Licauco, Paul Salas, Ruru Madrid.

Binulaga ni Yasser Marta ang mga beki sa social media nung i-post nito ang kanyang latest sexy pictorial. Topless si Yasser kaya marami ang nagnasa sa mabalahibo niyang dibdib na abot hanggang sa kanyang abs.

Simple lang ang caption ni Yasser na: “Ride with me.”

Kaya may kakompetensya na sina Derrick, David, Paul, Ruru kung pagandahan din lang ng katawan. Ang alas ni Yasser ay balbon siya na mas type ng ibang beki kesa sa mga makinis na dibdib ng tatlo. Sey ng isang beki na mas lalake raw tingnan ang mga balbon.

Hinihintay na ng mga beki ang maging endorser na rin si Yasser ng underwear para magkaalamanan na kung sino ang mas hot.

Kasalukuyang napapanood si Yasser sa sitcom Daddy’s Gurl, pero makakasama siya sa teleserye na pagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na What We Could Be na collab ng GMA-7 at Quantum Films. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.