Una sa Balita

Yasmien reresbak kina Gina, Jackie

By
0 6,463

Isa pang kaabang-abang tuwing hapon sa GMA ay ang advocaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Binalaan kasi ni Yasmien Kurdi ang avid viewers ng serye na dapat silang maghanda ng tubig at baka mauhaw sila sa init ng mga eksenang mapapanood dito. Exciting kasi ang mga kaganapan dahil nalaman na ni Marco (Mike Tan) ang katotohanan matapos ipagtapat ni Lawrence (Martin del Rosario) ang lahat sa kanya.

Ang tanong ng lahat: paniwalaan kaya ni Marco ang rebelasyon na ito ni Lawrence? Makakatakas pa kaya si Ava (Jackie Rice) at malusutan ang kanyang kasinungalingan? Dapat nang maghanda sina Adel (Gina Alajar) at Ava (Jackie) sa resbak ni Thea (Yasmien) dahil hindi na siya magpapaapi sa mga ito at lalaban na siya nang todo.

Samantala, todo pasasalamat si Yasmien sa magandang pagtanggap ng viewers sa kanilang programa lalo pa ngayon na patuloy ang paghataw nito sa ratings.

Abante Hiring – IT dep

Carmina-Alfred-Jean ayaw patalo sa mga bata

Bongga rin sina Alfred Vargas, Carmina Villaroel, at Jean Garcia, ha! Lumalaban kasi sila kina Crisan-Diego-Crisel, bilang sina Geraldine-Allan-Teresa, huh!

Ganiyan nga ang takbo ng istorya ngayon sa Kambal, Karibal kung saan matapos mag-propose ni Allan (Alfred Vargas) kay Geraldine (Carmina Villaroel) ay naghiganti si Teresa (Jean Garcia) sa dalawa. At dahil sa aksidenteng nangyari, lumabas ang kaluluwa ni Geraldine.

Matuklasan na kaya ni Geraldine ang pinakatatagong katotohanan ni Crisel (Pauline Mendoza) na inangkin niya lang ang katawan ni Crisan (Bianca Umali)?

Siyempre, ang mga fan ay galit na galit kay Teresa. Kung hindi dahil sa kanya, masaya na sana ang lahat.

Leanne agaw-eksena kina Jennylyn, Tom

Sa pagharurot ng The Cure sa primetime last Monday, inabangan kung paano malulutas ang problema sa cancer at hindi makapaghintay ang mga viewer sa mga magiging conflict ng show.

Pero hindi maiwasang mabaling ang atensyon namin sa young star na si Leanne Bautista dahil hindi ito ang unang beses na nakaagaw ng pansin ang bagets. Bukod sa pagiging cute nito on screen, napaka-promising din ng performance niya sa Mulawin pa lang kaya ngayon ay hinihintay na ang pagiging bida niya sa The Cure. Nakikipagsabayan kasi ang chikiting na ito sa level ng acting ng mga magulang niya sa serye na sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, kaya talagang isa siya sa mga child star to watch out for ha!

Gil Cuerva palaging tulala

Lingid sa alam ng karamihan, creative at maraming nabubuong kuwento si Gil Cuerva sa kanyang isipan na minsan ay nagiging dahilan kung bakit napapahinto siya at natutulala. Pag-amin ng My Guitar Princess actor, minsan ay hindi niya namamalayan ang mga nangyayari sa paligid niya tuwing malalim ang iniisip at gusto niya itong baguhin.

Kaya naman nang mag-workshop siya kay Anthony Vincent Bova ay laking tulong ng natanggap niyang payo mula sa acting coach.

“He advised me to write down the things I think of so it could help me declutter my mind,” kuwento ni Gil.

Bilib daw si Bova sa pagiging imaginative niya at naniniwala itong magagamit niya ito sa kanyang career balang araw. Hindi na rin kami magtataka kung magkaroon din siya ng interes sa paggawa o pagsulat ng pelikula.