Una sa Balita

Yasmien, Assunta umamin sa depresiyon

By
0 2,409

Maraming mga artista at singer na sa tagal nila sa industry na ito ay nagkakaroon ng tinatawag na pagka-burnout na kadalasan ay nagiging depression. May iba pa nga sa kanila ang nagkakaroon ng nervous breakdown dahil dahil pagka-burnout.

Ilang showbiz personalities ang tinanong ko kung nakaranas na ba sila ng ganito?

Yasmien Kurdi: “Naranasan ko na talagang ma-burnout sa work early on my career at panahon pa ng Starstruck. Noon kasi, may pagkakataon na halos isang linggo na walang tulugan at uwian dahil sa dami ng commitments.

“Nagbe-breakdown ako kapag mag-isa na lang ako sa room. Kaya at some point naisipan ko kung ito ba talaga ang buhay na gusto ko? ‘Yun din ang isa sa reasons kung bakit nag-decide ako na mag-lielow sa showbiz at mag-focus sa pag-aaral.

“Pero iba pala talaga ‘pag mahal mo ‘yung ginagawa mo, babalikan mo siya. Na-miss ko talaga ang pag-arte noong panahon na wala ako sa showbiz.

“Siguro I’m just lucky enough na meron pa akong puwang sa industriyang ito at nakabalik ako. Talagang thankful ako sa Panginoon dahil doon.

“Sa ngayon, pang-alis ko talaga ng stress ang anak ko. Excited ako palagi makita sila ng papa niya. Iba pala talaga ‘pag may inspirasyon ka sa buhay. Meron kang baon panlaban sa depression.

“Kami naman ni Rey (Soldevilla, Jr. mister niya), masahe ang pang-alis namin ng stress, at travel na rin. Kapag nakakapag-travel kami feeling namin nakakapag-recharge kami.

“Ngayon lang kasi busy ako sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, kaya hindi kami nakakapag-travel.”

Ogie Alcasid: “Can’t say that I have been burnout. We came rin kasi from a different time. We did not have social media during our time and we just really had an easier time.

“It was really fun. I loved what I was doing that time.

“If at all, I was probably going through stages where I felt empty. I only had one answer and it was the Lord almighty.”

Assunta de Rossi: “Of course, nakaramdam na ako ng pagka-burnout. Lalo na at this age (she’s 35), na kahit mahal na mahal ko ang trabaho ko, iba na rin ang energy level ko.

“So, kahit gusto pa ng utak ko, ‘pag ‘yung katawan na ang nagbibigay ng senyales na pagod na, dapat talaga nating pakinggan. I mean, ayaw naman nating mapunta lang sa hospital bills ‘yung pinagpaguran natin, ‘di ba?

“But knowing me, I make sure na tatapusin ko lahat ng commitments ko bago magpahinga.

“Sometimes it’s nice na hindi ka masyadong accessible, na ‘yung mga importanteng tao lang sa buhay mo ang pwedeng kumontak sa ‘yo, ‘tapos ‘yung mga puro konsumisyon lang ang dala, huwag na munang kausapin. Hahaha!

“Peace of mind is also important, kasi kung emotio­nally, maayos kami, mas magiging effective kami as performers!”

Shalani Soledad: “I guess no matter how hard one tries, especially when juggling multiple work/commitments – the pressure, expectations & physical exhaustion will catch up and one will feel tired.

“I believe it’s important to take a break & rest. So that you’ll feel energized & up on your feet again, ready to face the world.”

***

Bukas, ilan pang celebrities ang tinanong namin kung nakaranas na rin ba sila ng pagka-burnout.

Pero kami rito sa Abante, sa loob ng 31 years ay patuloy pa rin sa pagsagap ng mga balita at hindi magpapaka-burnout dahil alam namin na marami kaming readers na talaga namang loyalista sa aming tabloid sa loob ng napakaraming taon na pamamalagi namin!