Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yap swab test ulit

0 87

SASALANG pa sa pangalawang swab test si James Yap, kapag nag-negative ay saka bibigyan ng go-signal na sumama na sa workout ng Rain or Shine.

Negatibo ang unang test ng two-time MVP pagdating sa bansa noong Sept. 4. Galing Italy ang 38-anyos na si Yap kasama ang fiancée na si Michela Cazzola at dalawa nilang anak.

Bukas iniskedyul ang pangalawang swab test ni Yap. Kapag negative muli ay makakapag-workout na siya sa susunod na linggo.

“Hindi basta-basta na punta na lang ako du’n (practice). Kailangan talaga safety, importante sa lahat,” ani Yap.

Nasa ilalim din ng mandatory quarantine ang nasa pang-16th season na sa PBA na si Yap.

Aminado si Yap na sa kanyang edad ay hindi na puwedeng biglain ang sabak sa ensayo, lalo na sa laro.

Sa anim na buwan na pagkakagarahe, natulog din kumbaga ang muscles niya, kailangan munang hinay-hinay na banatin.

Kagandahan sa pagtigil ng mga laro, naipahinga ni Yap ang groin injury na bumagabag sa kanya noong nakaraang season.

“Masyado lang matagal, kumbaga kakalawangin ka din,” pakli ng veteran wingman. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.