Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yap sasabak na sa konseho

0 122

MASAYANG ibinahagi ni PBA star James Yap ng Rain Or Shine Elasto Painters ang opisyal na pagtapak na nito sa mundo ng politika bilang konsehal sa lungsod ng San Juan.

Ipinasilip ni ‘Big Game’ James sa kanyang Instagram ang panunumpa nito sa serbisyo-publiko kasama ang alkalde ng San Juan na si Francis Zamora matapos maluklok sa puwesto sa nagdaang May elections.

“My first inaugural session as a public servant with Mayor Francis Zamora and the 7th city council of San Juan,” caption ni Yap kasama si Mayor Zamora na parehong naka-thumbs up.

Sa ngayon ay hindi kabilang sa PBA Philippine Cup ang 40-anyos na former two-time Most Valuable Player dahil nagpaalam ito sa Rain Or Shine na magpopokus muna sa politika.

Bagaman pahinga muna sa basketbol ay wala pang closure kung tuluyan na ba itong mamamaalam sa ‘Pambasang Liga’ para sa serbisyo-publiko. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.