Una sa Balita

Yap sa mga kapwa politiko: Nagugutom pakainin, huwag lang pag eleksyon

0 676

Nanawagan si ACT-CIS Cong. Eric Yap sa iba pang politiko na tumulong sa pagbibigay ng makakain sa mga kababayang nakakaranas ng gutom dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Kumakatok sa puso ng ibang politiko si Yap upang magbigay ng tulong sa kani-kanilang mga constituents, lalo na iyong hindi pa nahahatiran ng ‘relief goods’.

“I am sure meron bawat isa sa atin na nasa puwesto ay may mga extra na ilang kilo ng bigas at mga de lata sa ating bahay na maaaring ipamigay sa ating mga nasasakupan na nagangailangan” sabi ni Cong. Yap.

Sinabi pa ng mambabatas, walang namang pasok ngayon kaya magandang gamitin ang pagkakataon para mag-repack ng pagkain na ibibigay sa mga ‘less fortunate’ na kababayan.

Ang ACT-CIS, mula ng ipatupad ang enhance community quarantine ay tatlong barangay na sa Quezon City, isa sa Caloocan ang nahatiran ng tulong at may kabuuang 200 sako ng bigas, 50 kahon ng sardinas, 50 kahon ng noodles at 400 kilo ng tuyo at daing ang kanilang naipamigay.

Personal na pinapangasiwaan nina Congs. Yap, Jocelyn Tulfo, Nina Taduran at ACT-CIS Chairman Erwin Tulfo ang pamamahagi ng nasabing tulong.

Umaasa ang ACT-CIS na tutugon ang ibang politiko sa kanilang panawagan na tumulong.

“Kapag election ay lumalabas at namimigay ang mga politiko, sana ngayon rin ang mamigay sa mga nangangailangan” pahayag pa ng ACT-CIS.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More