Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yap pipigain ng Painters

0 158

SI James Yap pa rin ang isa sa mga haligi ng Rain or Shine.

Nag-39 na ang dating two-time MVP noong Feb. 15 pero malaki pa rin ang inaasahan sa kanya ng Elasto Painters.

Katunayan, gumawa si coach Caloy Garcia ng special plays para sa 16-year veteran.

“We made some special plays for James and even made some adjustments on how we’ll run our patterns,” anang tactician. “Kaya malaki pa rin contribution niya.”

Ang kailangan lang ay i-manage ang minuto ni Yap, bagay na papabor din sa mga kapwa niya beteranong sina Beau Belga at Gabe Norwood.

“The biggest factor here is the age,” dagdag ni Garcia. “As players get older, you really need to manage their health condition.”

Kadarating lang ni Yap sa bansa mula Italy nang pumasok sa Pampanga bubble ng PBA Philippine Cup.

Kumbaga, sa Clark na niya hinabol ang game shape.

Halos araw-araw din ang laro kaya kailangang bantayan ang kanyang minuto. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.