Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yap naglamyerda sa Italy

0 222

HAYAHAY ang buhay.

Ganito sinusulit ni PBA veteran James Yap ang kanyang quarantine break matapos maispatang chillax sa Italy.

Sa kanyang Instagram story ay makikitang pa-beach beach na lang ang 38-anyos na 3-point specialist matapos mag-work out.

Pinasilip din nito sa ilan niyang IG post ang paglalamyerda sa nasabing bansa kabilang na ang pinasyalan nitong ‘Leaning Tower of Pisa’ at Milano Marittima beach sa Emilia-Romagna.

Stress-free man ang peg nito ay siguradong mapapasabak uli ito sa ratsadahan sa PBA dahil asam pa nitong makakuha ng isang kampeonato bago magretiro. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.