Una sa Balita

Yap kakasuhan ng PSG

0 744

Posibleng kasuhan ng Presidential Security Group (PSG) si ACT-CIS partylist representative Eric Yap dahil sa hindi nito pagsunod sa mahigpit na patakaran sa pagpasok sa Malacañang.

Sinabi ni PSG Commander Colonel Jesus Durante na hindi inilagay lahat ni Yap sa pinirmahang health declaration from ang mga dapat malaman bago siya papasukin sa Palasyo, katulad na lamang ng pagkakaroon nito ng ubo at direct contact sa mga taong positibo sa COVID-19.

“Hindi niya dinevulge lahat, if really needed we could file a case against him for the breach noong ginawa niya. We have been implementing strict security measures,” ani Durante.

Lahat aniya ng pumapasok sa Malacañang ay dumadaan sa mahigpit na screening ng PSG subalit hindi sinunod ni Yap ang protocol na ipinatutupad ng PSG.

“Kahit sino man ang pumasok dito sa Palasyo and we are letting them sign a health declaration form. Ang problema, itong si Congressman Yap, he did filled up the form but he didn’t declare na may contact siya with some people who are found positive. And he has cough and experiencing some symptoms, hindi niya lahat dineclare ito . So with that I don’t see any lapses with the PSG but I still have it investigated,”dagdag pa ni Durante.

Hindi pa aniya nakikipag-ugnayan si Yap sa PSG pero nabasa na nito ang kanyang paghingi ng dispensa sa publiko.

Sinabi ni Durante na batay sa paliwanag ni Yap sa publiko, mayroon talaga itong direktang contact sa COVID positive pero dumalo pa rin siya sa pulong sa Malacañang na naglagay sa panganib sa lahat ng mga opisyal na nakasama nito sa pulong sa Palasyo.

“Hindi pa naman siya nakikipag-ugnayan but I have read his public apology dito sa nangyari. And yun nga from there, nakita natin sa explanation niya merong close contact with those found positive with the virus, and still um-attend siya sa meeting at yun nga, involving other secretaries natin and it really endangers everyone sa loob ng Palasyo,” wika pa ni Durante.

Matatandaang ipinatutupad ng PSG ang “no contact policy” kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos para matiyak ang kaligtasan ng Presidente sa peligro ng COVID-19. (Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More