Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yap batak sa Italya

0 372

NASA ibang lupalop man ng mundo, puspos pa rin sa workout at self-training si PBA two-time Most Valuable Player (MVP) James Yap ng Rain or Shine.

Sa ngayon ay nasa Italy ang 38-anyos na ex ni ‘Queen of All Media’ Kris Aquino.

Ipinasilip ni Yap sa Instagram post ang pagsu-shoot habang suot ang team shirt na Rain or Shine.

Pansin din sa IG story nito na bumili ito ng ilang work-out tools gaya ng yoga matt, ab wheel, bola at iba pa para magamit sa pansariling workout habang nasa ibang bansa.

Magugunitang nang makansela ang 2020 PBA season dulot ng pandemya ay lumipad muna sa Italya ang sikat na baskbebolista para maka-bonding ang pamilya ng bago niyang dyowa.

Nasa ibang bansa man ay tinitiyak ni Yap na nasa tamang kondisyon ito oras na balik-PBA na at inaasahang asam na makasungkit ng kampeonato bago magretiro. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.