Una sa Balita

Yao, Abdul-Jabbar ng Pilipinas si Kai

0 393

LAHAT ng suporta ay ibubuhos ng Chooks-to-Go sa high school prodigy na si Kai Sotto sa pangarap nitong maging unang homegrown Pinoy na maglalaro sa NBA balang araw.

“We’re very excited about Kai Sotto,” sabi ni Bounty Agro Ventures, Inc. president Ronald Mascariñas sa ibinigay nitong send-off party sa 7-foot-2 center na si Kai kamakalawa nang gabi matapos pormal na ihayag na tutungo ito sa Atlanta upang sumailalim sa two-month training.

Tingin kasi ni Mascariñas, si Sotto ang Filipino version nina Yao Ming at Kareem Abdul-Jabbar, dalawa sa pinakamalulupit na sentro na naglaro sa NBA.

“He’s the Yao Ming or the Kareem Abdul-Jabbar of the Philippines. We’re excited to be part of his development. Whether nandito si Kai or sa labas ng bansa, our support will continue,” sabi pa ni Mascariñas.

“Maraming Pilipino ang nanga­ngarap na maglaro sa NBA. Hindi dito iba si Kai. I can only wish that God will continue to bless Kai and his family in this very tough journey. So Kai, good luck. You are a gift to our country.”

Nakatakdang magtungo sa Atlanta, Georgia ang buong pamilya Sotto sa tulong ng kinuha nitong agent upang doon mag-physical training. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More