Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yantok sa health protocol pasaway binawal ni Digong

0 472

Kinontra ng Malacañang ang kautusan ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas na gumamit ng yantok sa mga pasaway sa mga health protocol ngayong panahon ng pandemya.

Gayunman ay giniit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga law enforcer ay maari namang gumamit ng rattan stick o yantok sa pagpapatupad ng physical distancing.

“Hindi pupuwede yan pang hit o pang palo dahil hindi naman po yan pinapayagan sa ating batas at regulasyon ng PNP,” giit ni Roque.

“Pupuwede siguro to measure social distancing, to make sure one meter. Pero hindi po yan para pang palo ng mga taumbayan,” dagdag nito.

Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Joint Task Force Covid-19 Shield chief Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag na inatasan ni Sinas ang mga pulis na gumamit ng yantok sa pagpapatupad ng social distancing sa holiday.(Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.