Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yankees binawian ni Altuve, Astros

0 127

NATAON ang 31st birthday ni Jose Altuve nitong Huwebes sa Bronx, sa series finale ng Houston-New York matchup.

Dapat lang na sa kanya ang selebrasyon.

Pinalipad ni Altuve ang bato ni Chad Green sa eighth inning na nagresulta sa go-ahead, three-run homer at binawian ng Astros ang Yankees 7-4. Nakaiwas sa three-game sweep ang Astros.

Sa unang dalawang talo, hindi tinigilan ng boos sa Yankee Stadium si Altuve. Sariwa pa sa Yankees fans ang sign-stealing scam ng Astros noong 2017 tungo sa World Series title. Sa taon na ‘yun ay sinipa ng Astros ang Yankees sa pitong laro sa American League championship.

Related Posts

“It quieted the fans … for a little while, anyway,” bulalas ni Houston manager Dusty Baker sa homer ni Altuve.

Hindi makapag-focus si Altuve dahil sa reaksiyon ng crowd.

“You don’t like to get booed by anybody but that’s part of the game,” aniya. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.