Una sa Balita

Yanah agresibo sa lahat ng bagay

By
0 656

Ang pampitong kandidata ay si Yanah Aguilar para sa Batch 3 ng Abante Babe, Ganda Mo, Teh! Si Yanah ay 24 years old, 5’6 ang height at may voluptuous body stats na 36-25-36.

Ang pagiging mestiza look ni Yanah ang nagbibigay sa kanya ng impression na matapang na malakas ang personality kesa opposite sex, wika niya, “Gusto ko ma­ging agresibo at dominante sa lahat ng bagay lalo na kapag naging mag-asawa na kami.”

“Gusto ko sa leeg ako hinahalikan kasi nabibigyan ako ng 100% satisfaction,” prangka niyang sagot sa tanong kung saang parte ng katawan ang gusto niyang hinahalikan siya. Ang greatest turn on niya sa guy ay mabait at responsable.

Sa ganda ni Yanah hindi maikakailang maraming beses na siyang nakatanggap ng indecent proposal at nasipulan na siyang ikinaka-proud niya dahil, aniya, “Ibig sabihin nun maganda ako.”

May payo rin si Yanah sa mga biktima ng sexual harassment, “Maging malakas ang loob, maging matatag araw-araw at magdasal para magabayan ng Diyos nang maging determinado sa buhay.”

Sa mga gustong sumali para maging Abante Babe para sa buwan ng November, ipadala ang inyong close up at whole body picture, bio-data sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto, gupitin sa article na ito kay Yanah Aguilar, Abante Babe #7-Batch 3 (70% ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa Abante  sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante News Online Facebook page, AbanteTNT sa Instagram at sa website na www.abante.com.ph.