Una sa Balita

Yaman ni Duterte lumobo ng P1 milyon

By
0 826

UMAKYAT sa mahigit P1 milyon ang yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakalipas na taon batay sa kanyang isinumiteng Statement of Assets, Lia­bilities and Networth (SALN).

Nakasaad sa 2017 SALN ng Pangulo na ang total assets nito ay P28,540,321.07, tumaas ng apat na porsiyento mula sa dating total networth na P27,428,862.44 noong 2016.

Nakalista sa SALN ni Pangulong Duterte ang siyam na mga ari-arian sa Davao City kasama na ang personal property sa kanyang pangalan.

Nakapangalan naman sa kanyang bunsong anak na si Veronica ang dalawang agricultural at tatlong residential lot sa Davao City na nagkakahalaga ng P3.8 milyon na nabili sa pamamagitan ng pondo ng kanyang partner na si Cielito ‘Honeylet’ Avanceña.

Nakasaad sa batas na kinakailangang­ isama sa SALN ng mga opisyal ng gobyerno ang mga asset ng kanilang mga anak na kasama sa bahay at may edad na 18 pababa.

Nakapaloob din sa SALN ni Pangulong Duterte ang halaga ng mga alahas na nasa P300,000, investments­ na P2.5 million at iba pang ari-arian na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Mayroon din 1978 Volks Sedan ang Pangu­lo na nagkakahalaga ng P40,000 at Toyota RAV4 na nabili nito noong 1996 na hala­gang P800,000.

Batay pa sa SALN ng Pangulo, ang pagtaas ng kanyang networth ay mula sa cash on hand/bank at mayroon itong utang sa negosyanteng si Samuel Uy na P800,000.