Una sa Balita

Yaman ng mga POGO worker sisimutin ng China

0 388

HINDI lang kanselasyon ng pasaporte ang gagawin ng China sa mga kababayan nilang nagtatrabaho sa offshore ga­ming operation sa Pilipinas kundi maaaring i-freeze rin ang kanilang bank account at kumpiskahin ang mga ari-arian nilang nakuha sa iligal na gawain.

Ilan lamang ito sa 15 hakbang na gagawin ng Ministry of Public Security ng China oras na matumbok na nila ang pagkakakilanlan ng mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Ope­rator (POGO).

Pinakansela na ni Chinese President Xi Jinping ang pasaporte ng mga Chinese sa Pilipinas kaya kailangan nilang mag-report sa pulisya ng China at ideklarang hindi sila nagtrabaho sa POGO.

Bukod sa pag-freeze ng bank account at pagkumpiska sa mga ari-arian, ang anak ng mga Chinese ay hindi na papayagang mag-aral sa eskuwelahan sa China at hindi rin bibigyan ng subsidiya ng gobyerno.

Makakasama sila sa listahan ng mga may ‘bad credit’ at pagbabawalan sumakay ng eroplano o sa mga high speed rail.

Nauna rito ay kinumpirma ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang lumabas na balita sa bilyonaryo.com.ph hinggil sa ginawang crackdown ng China sa mga nagtatrabaho sa POGO.

“The Ministry of Public Security of China has obtained a list of Chinese nationals suspected of committing long-term telecommunication fraud crimes abroad, who are classified as the persons prohibited from exiting China according to the Exit-Entry Administration Law of the People’s Republic of China,” ayon sa tagapagsalita ng embahada.

“Such operations are aimed at the suspects of Chinese nationals who have committed telecommunications fraud crimes in different countries. The Chinese government always requires Chinese citizens overseas to abide by local laws and regulations and not to work illegally in foreign countries,” dagdag pa sa kanilang statement.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More